Chapter 29

2203 Words
Nang bumaba ako ay sa akin lahat nakatuon ang paningin nila kaya nginitian ko silang lahat. Agad tumayo si Brix at nilahad ang kaniyang kamay upang tulungan ako sa pagbaba ng hagdan. Tinanggap ko naman ito at naupo sa tabi niya. "You look so gorgeous, my heir," Grandma said. I smiled. "Thank you so much, grandma. You too, you look so young." She giggled. "Ikaw ba talaga 'yan, Heina?!" hindi makapaniwalang tanong ni Cy. Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba, mukha ba akong ibang tao?!" "Sabi ko nga ikaw 'yan," aniya. Umiling-iling na lang ako dahil sa sinabi nito. "Let's go. Naghihintay na roon ang mga photographers," she said. Nauna siyang lumabas at sumunod kami. Nagtaka ako dahil hindi nakabihis ng ayos ang mga kaibigan ni Leo. "Hindi ba kayo sasali sa photoshoot?" tanong ko sa kanila. Umiling lamang ang mga ito. "Magbihis kayo mamaya. Gusto ko makipag-picture sa inyo," saad ko. Hindi ko na nakita o narinig pa ang tugon nila dahil agad akong dumiretso sa photoshoot area. Umupo ako sa nag-iisang upuan na nasa gitna. Wala pa naman sila kaya agad kong tinignan ang araw na nagsisimula ng magbigay liwanag sa lahat. Ang ganda ng concept ng photoshoot dahil para kaming mga bampira sa suot namin at nasa beach pa ito. Sumakto pa ang araw na sumisilip sa amin. Nagulat ako dahil biglang nag-flash ang camera kaya agad akong napatingin dito. Nakita ko silang lahat na nasa likod ng photographer at saka tinitignan ang aking larawan. "You look good here," Gio said. Tatayo sana ako para tingnan ito ngunit agad nang pumunta sa aking likuran ang aking pinsan at sa tabi naman ay si Grandma. It took 10 shots before Grandma went in because she's not comfortable in her suit. All of the shots are only serious pose and faces because that's what Grandma wants. "Wait! Bago tayo magpatuloy, magbihis na muna kayo para makapag-picture na rin tayo mamaya," saad ko sa mga kaibigan ni Leo. Tumango ang mga ito at pumasok. Lahat kami ay pumasok din upang magpalit dahil nagsisimula na rin kami pagpawisan. Pinagpahinga na rin muna namin ang mga photographers. Napag-usapan namin na beach concept na lang daw ang gagawin namin. Napasimangot ako dahil naalala ko ang kanilang mga sinabi. "Anong concept ang gagawin natin mamaya?" tanong ni Lance. "Beach concept kasi nasa beach tayo?" saad ni Gyu. Lahat ay nagtawanan. "May p-point naman siya," nahihirapan kong saad dahil sa kakatawa. "Okay, the beach concept is final," Brix said. "Huwag ka magbikini, Heina," sabi ni Lawrence. Napatingin ako sa kaniya at nataas ang aking kilay. "Kung hindi ako magbi-bikini, paano 'yon magiging beach concept?!" "Sumunod ka na lang sa kaniya, Heina," saad naman ni Cy. "Eh—" "They're right, Heina," Leo said. Wala na akong nagawa dahil lahat sila ay pinagtulungan ako ganoon din si Lola. Well, wala naman talaga akong balak na mag bikini dahil hindi rin naman ako komportable na magsuot ng ganoon. "Kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong ng mga maids. "Hindi na po. Kaya ko na ito mag-isa. Maaari na kayong bumaba upang magpahinga," saad ko. Nagpasalamat sila sa akin at saka sinunod ang aking sinabi. Pagkalabas nila ay ni-lock ko ang pinto at nagsimula nang maghanap ng damit. Nang buksan ko ang closet ay maraming dress ang nandito ngunit ang nakakuha ng aking pansin ay ang peach mini dress. Kinuha ko ito at sinuri. Sinuot ko ito at napangiti nang makitang bumagay sa akin ang damit. Kinuha ko rin ang sandals na kulay peach at pagtingin ko sa full body mirror ay bumagay sa akin ang mga ito. Mas lalo pa akong pumuti dahil dito. Inalis ko ang mga pin na nasa buhok ko at saka ginawa itong messy bun. Mas lalo akong napangiti dahil nagpaganda pa lalo ang ginawa kong hairstyle. Nakaka-proud ang kagandahan ko. Lumabas na ako at nagulat ako dahil sabay kaming nagbukas ng pinto na katapat ko ngayon. "You look good in that dress," Gio said. "Ah, t-thank you. You too! You look good in that short," I said. Simple lang kasi ang suot niya ngayon ngunit makikita mo pa rin ang pagiging elegante nito dahil sa kaniyang kilos. Suminghot ako sa hangin dahil may naamoy akong mabango na perfume. Lumapit ako kay Gio at saka inamoy ang kaniyang damit. Sa kaniya pala iyon nanggagaling. "Why? Do I smell bad?" He asked. I looked up. "No. You smell so good. That's my favorite perfume. That's why I immediately smell it." "Really?" He asked. I nodded. "You have a taste for picking perfume, huh?" I teased him. But instead of getting irritated, he ruffled my hair and giggled. "Yah! Baka magulo!" sigaw ko rito. Tumigil naman ito. I immediately stepped back when he bent down to look at my face. "W-why?" I asked. I can't move backward anymore because he held my waist. He just giggled and pointed out my nose. After that he went downstairs. Naiwan ako na nakatulala kung saan ako naka-pwesto kanina. Natigil lang iyon nang may narinig akong tumikhim. Pagharap ko sa aking likod ay nakita ko si Lance na nakatayo sa kaniyang kwarto. Magkatabi lang pala kami ng kwarto...? "Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko. Umiling siya. Napahinga naman ako ng ayos. Akala ko kasi ay nakita niya lahat. "Anong ginagawa mo riyan?" tanong nito. "A-ah, kalalabas ko lang din. Actually, pababa na ako. Tara sabay na tayo?" saad ko. Tumango ito at sabay na kaming bumaba. "Ang tagal niyo!" bungad na sigaw sa amin ni Cy. Umiling-iling na lang ako. Pagpunta namin roon ay wala na ang white background na ginamit namin kanina. Sinabi kasi namin na hindi na ito kailangan dahil mas magandang view ang dalampasigan. "Group photoshoot muna o solo?" tanong sa amin ng photographer. "Ano ba una?" tanong sa amin ni Gyu. "Mas maganda siguro na group photoshoot muna," suhestiyon ni Brix na sinang-ayunan ng lahat. "Make your own poses!" sigaw ng photographer. Ang unang pose ay nakatayo lang kami sa gitna at seryosong nakatingin sa kamera. "You all should smile. The concept place is bright but you all have a dark aura because of your faces!" sigaw sa amin ulit ng photographer. Iling-iling na lang ako napatawa. Humarap ako sa aking likuran at natawa na lang ako dahil kung anu-ano ang pinaggawa nila. Nagulat ako nang biglang nag-flash ang kamera. "That's it! You all look so adorable," sigaw sa amin nito. Nagkunwari kaming tumatakbo para sa poses. At saka nilubog din namin ang kalahati naming katawan sa dagat upang makapag-picture. "All done! Marami na ang group shot niyo. Oh, sino mauuna sa solo?" tanong nito. "Can we have a photoshoot?" turo ko sa kambal. Tumango naman ito at pumwesto ulit kami. Sa pagkakataong ito ay kaming tatlo ay nagpi-picture samantalang ang iba ay tinitignan ang kinalabasan ng aming litrato at poses. Ang una namin pose ay magkaakbay. Sila ay nasa aking gilid habang ako ay nasa gitna. Simula sa aking pagkabata ay sila na ang tumayo kong nakakatandang kapatid. Sila lang din ang kinilala ko noon na pinsan dahil akala ko ay sila lang ang aking kamag-anak. Napangiti na lang ako habang inaalala ang nangyari sa nakaraan... "Heina!" sigaw ng pamilyar na boses. "Kuyas!" tawag ko sa kanila at sinalubong sila ng isang yakap. "Hello, Heina," bati sa akin ni Tita. "Hello po, Tita, Tito," saad ko. Pumunta sila kay Mommy at Daddy habang hinatak ko naman sila Kuya papuntang garden. "Kuyas, what happened on your trip?" I asked. "We met a lot of people, Heina!" Kuya Lawrence said and giggled. "Really? I wanted to meet them too," I said. Kuya Lance ruffled my hair. "Soon, Heina." "They're all kind," Kuya Lawrence said. "Can you tell me more about them, please?" I plead. They both laughed. I putted the picnic napkin over the grass and we all laid down. "They're boys too," Kuya Lance said. "Really? Then, I will have another kuyas?!" I excitedly said. They both hummed to respond. "Heina, you know they said that they're our cousins..." Kuya Lawrence said. "Huh? How did that happen? Are they my cousins too?" I asked. "We don't know," they said. I pouted. "I want to know them..." "Can you say their name—" "Heina, Lawrence, Lance? Let's go, we will eat our lunch," Mommy said. We all go up. Kuya Lawrence murmured. "Don't worry. I will introduce them to you." They both winked and that made me laugh. "Okay, well done!" sigaw ng photographer. Natapos na ang lahat sa solo photoshoot ganoon na rin ako. "How many days will it take to give all of that to us?" Kuya Leo asked. "It might take a day or two but if you all want soft copies, just send me your emails and I will immediately send it to you," she said. The photographers were about to go when I asked for something that stopped them. "Uhm, may I know your name?" I asked. She faced me. "Just call me Ave." She winked. Umalis na sila pagkatapos noon at kami naman ay pumasok na upang magpalit ng damit at kumain ng tanghalian. "Do you have a problem, Heina?" Lance asked. I shook my head. "Para kasing familiar siya," I said. "Baka nakita mo na siya sa mga magazine or any articles? Sikat kasi ang photographer na 'yon," saad ni Lawrence. "Oh, really? May I know her full name?" I asked. "Waverly Norich," he said. Napataas ang aking kilay. "May problema ba?" tanong ulit nila. Umiling na lang ako at pumasok na sa aking kwarto. Pamilyar talaga sa akin ang pangalan na iyon... Umiling na lang ako. "Baka pagod lang 'to," saad ko sa aking sarili. Naligo ulit ako at saka nagpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba upang kumain. Nakita ko silang nakaupo lahat sa living room kaya roon muna ako dumiretso. "Heina, nakita mo na ba 'yong ni-send sa 'yo ni Ave?" tanong ni Brix. Umiling ako. "Saan?" tanong ko. "Buksan mo email mo," saad nito. Binuksan ko ito gaya ng sinabi niya at saka roon nakita ang aming pictures. Ang ganda lahat... Napangiti ako nang makita ang picture naming tatlo ng kambal. Ni-save ko ito at ginawang lock screen wallpaper. Napangiti ako lalo dahil nakita ko ang picture ko with the friends. I mean, iyong mga kaibigan ni Leo. Ni-save ko rin ito ganoon na rin iyong stolen picture sa akin at saka iyong picture naming lahat na kunwari ay tumatakbo. Ipo-post ko ito sa aking SYL account ngunit pagbukas ko nito ay biglang maraming notifications ang nag-pop up kaya nilagay ko sa do not disturb dahil halos mag-hang na ang aking cellphone. Tinignan ko muna ang mga notification at napataas ang aking kilay nang makitang ni-mention ako ni Gio sa kaniyang post. Tumingin ako sa kaniya ngunit nagulat ako dahil sa akin din pala nakatuon ang pansin nito. "Nahulog sa unang tingin~," pagkanta na saad ni Cy kaya agad ko namang nilihis ang paningin sa kaniya ngunit ramdam ko pa rin ang mga titig nito. Nakita ko na nakangisi si Cy kaya sinamaan ko naman ito ng tingin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kaniyang ni-post sa SYL kaya may kasalanan pa rin siya sa akin! Tinignan ko ang post ni Giovanni at saka napangiti dahil picture pala iyon naming lahat. Sa unang picture ay lahat kami, kasama ang magpipinsan. Nag-scroll side lang ako at sunod kong nakita ang picture ko kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nagtatawanan kami rito dahil biglang nadulas si Chester. Ang pangatlong picture naman ay hindi ko inaasahan dahil 'yon ang stolen picture sa akin habang nakatingin ako sa paangat na araw. At sumunod naman ay ang solo photoshoot ko sa dalampasigan... Ang caption nito ay 'the sun is admiring her own self, as she should. :)' iyan ang nakalagay sa kaniyang caption. Kahit na hindi sabihin ay alam kong ako ang tinutukoy niya dahil ako lang naman ang babae na kasama sa group photoshoot naming lahat. Ni-like ko ito at nag-comment din ng emoticon na heart. Nagulat ako nang biglang sumigaw si Gyu. "Iyon, oh! May pa-heart-heart pa siya!" sigaw nito. "Anong masama roon?" Taas-kilay kong tanong. "Walang masama pero may malisya," saad ni Calvin. Nailing-iling na lang ako. Pagdating sa mga pinsan ko ay lahat may issue... Ni-post ko rin ang picture namin kanina. At wala pang 5 minutos ay inabot na ito ng milyon-milyong likes at comments. Nagpalit din ako ng profile picture. "Luh?!" sigaw ko. "Bakit?" tanong nila. "May verified badge na rin pala ako sa SYL?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. "Malamang. May millions followers ka na, eh," saad ni Lawrence. "Ay, oo nga." "Hindi mo alam?" tanong ni Gyu. "Malamang. Kung alam ko ba, magtatanong ba ako?" sabi ko. "Tsk. Say, thank you," saad ni Cy. "At bakit naman?!" "Dahil sa akin kaya ka nagkaroon ng million followers." Taas-noong sabi nito. Hindi ko na lang ito pinansin. May point din naman kasi siya. Kun'di dahil sa ni-post niyang picture namin ni Gio ay hindi dadami ang chismis tungkol sa akin. Tinignan ko ang mga messages request ngunit hindi ito binasa. Natigil ako nang may makitang pamilyar na pangalan sa aking message sa SYL. Hindi pa pala nade-delete ang kaniyang account...? "Lance, can I talk to you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD