Chapter 12

2032 Words
"Ihinto mo na lang dito sa may poste," sabi ko sa kaniya. "Huh? Bakit dito pa? Pwede naman sa tapat ng bahay mo na talaga kita mismo ihatid?" ani Zain. Bumuntong hininga ako. "Ayos na ako rito, Zain, at saka kailangan mo na rin magpahinga. Malalim na ang gabi at may pasok pa tayo bukas," paliwanag ko sa kaniya. "O' siya sige." Hininto niya ang kotse sa kanto at pinagbuksan ako ng pinto. "Good—" "Don't say good bye,” aniya. Hindi ko na tinanong pa ang rason kung bakit, dahil kahit noon pa man ay ayaw na ayaw niya talaga na may nagpapaalam sa kaniya. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik. He ruffled my hair. "Ginulo mo na naman buhok ko!" sigaw ko rito. He giggled. "Sige na. Umuwi ka na." Naglakad ako at binilang ko ang hakbang ko. Nang maka-twenty na hakbang ako ay lumingon ulit ako sa likod ko. Gaya ng inaasahan ko ay naroon pa rin siya. Hinihintay na makauwi ako nang maayos. "Umuwi ka na rin!" sigaw ko dahil medyo malayo na ako mula sa kaniya. Tumango lamang siya bilang sagot. Humakbang na muli ang mga paa ko at sa pagkakataong ito ay hindi na ako muli lumingon sa kaniya. Pagdating ko sa bahay ay hindi na ako kumatok pa dahil baka tulog na si Uno. Kinuha ko na lang ang susi sa bulsa ko at binuksan ko ito. Ngunit nagulat ako nang makitang nasa sofa siya at naka-de kwatro. Nang magtama ang paningin namin ay muling bumalik ang mga nakita ko noong gabing 'yon. "Why are you late?" tanong nito. Hindi ko siya sinagot at dire-diretso na pumasok sa kwarto. "Siguro naman kumain ka na, 'di ba? Kung hindi pa, magluto ka na lang. Kumain na ako," saad ko sa kaniya. Dumiretso ako sa palikuran at nag-half bath para maging komportable ang aking pagtulog. Paglabas ko ay nakita ko naman siya sa kama na may matatalim na tingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Matutulog na ako. Pagod na ako," sabi ko sa kaniya. Pumunta ako sa kabilang side ng kama at nahiga roon. Nilagyan ko rin ng unan ang pagitan namin. Today is fun and tiring... Nang malapit na akong lamunin ng antok ay narinig ko pa ang bulong nito. "Why do you keep ignoring me, Heina?" aniya. Nagising ako na tila ba hindi maganda ang pakiramdam at napansin agad iyon ni Uno. "Are you okay?" tanong niya. Tumango lamang ako bilang sagot. Nang tumayo ako ay bigla na lang akong nahilo at natumba. "Heina!" sigaw niya. Agad niya akong binuhat pabalik sa kama. "Huwag ka na lang muna pumasok ngayon. Hindi maganda ang pakiramdam mo, oh," aniya. "Hindi pwede. Huwag kang mag-alala. Magiging maayos rin ako maya-maya," saad ko. Binigyan niya ako ng isang basong tubig ngunit nang hahawakan ko na ito ay nilayo niya ito sa akin kaya binigyan ko naman siya ng 'why' look. "Let me be the one who'll give you a drink," sabi nito. Wala na akong nagawa kaya ngumanga na lang ako at saka niya pinainom sa akin ang tubig. Nang nahimasmasan ay saka na ako tumayo. "See? I'm okay," saad ko rito at saka naghanda ng damit para pumasok. "Don't pressure yourself. Take a leave today," suhestiyon niya. "Kailangan ko talaga pumasok, Uno." "Why? To flirt with that guy?!" Awtomatiko na umangat ang aking kamay at sinampal siya. Nanginginig ito kaya sinubukan ko naman pakalmahin ang sarili ko. Tila nagising at nagulat din siya sa aking ginawa at sa kaniyang sinabi. "I'm s-s-sorry, Hei—" "Shut up! You don't have a permission to say that to me, and also you shouldn't have a care even if I flirt with guys. Don't engage in my private life, Uno." Agad ako pumasok sa loob ng bathroom at padabog na sinara ang pinto. Paglabas ko rito ay agad akong nagtungo palabas ng apartment. Sinubukan pa akong tawagin ni Uno ngunit hindi ko siya nilingon. Walang akong pakialam kahit na hindi ko pa nasusuklay ang buhok ko at kahit hindi pa ako nakakakain. I'm hurrying to the office because I have this bad feeling... Nang makarating ako sa office ay agad nila akong tingnan na may pagtataka sa mukha. "Binagyo ba 'yang buhok mo, be?" birong saad ni Charrie. Hindi ko ito pinansin at agad hinanap ng mata ko si Zain. Nakahinga naman ako ng ayos nang makitang nasa upuan niya siya. Pag-upo ko ay agad sinuklay ni Bessy ang buhok ko. "Salamat," sabi ko sa kaniya. "Umagang-umaga parang pagod ka na. Ang haggard ng mukha mo, 'te!" saad nito. "Nagmadali kasi ako pumunta rito. Hindi na nga ako nakakain, eh," ani ko. "Ay, bakit naman?! Oh, ito kainin mo. Maaga pa naman. 30 minutes pa bago ang time," aniya. "Salamat ulit." Inayos-ayos naman niya ang buhok ko at tinali ito. Mahilig kasi si Bessy mag-ayos ng buhok lalo na't naging parlorista rin ang Ina niya noong kabataan nito. "Bakit nga pala nagmadali ka pumunta rito?" tanong niya. Nahinto naman ako sa pagkain. "May masama kasi akong pakiramdam pero ayos na ako ngayon," saad ko. Tumango-tango lamang siya sa sinabi ko. "Si Zain nga pala? Parang ang tahimik, ah?" saad ko. Nakita ko naman na nangunot ang noo niya. May salamin kasi sa harap ko kaya kitang-kita ko ang mga ginagawa niya. "Ha? Anong sinasabi mo, 'te? Malamang tahimik kasi wala pa naman dito si Zain," aniya. Ako naman ang nangunot ng noo sa sinabi niya. Tinignan ko ulit ang pwesto ni Zain at nandoon pa rin siya. Tinuro ko ang kinauupuan ni Zain. "Anong wala? Nandoon nga siya, eh!" saad ko. Nanginginig naman niyang hinawakan ang balikat ko. "Amor, huwag ka naman manakot ng ganiyan. Wala pa talaga si Zain," aniya. "Ay! Alam ko na. Prank ito, 'no? Bili na, ilabas niyo na kamera niyo," ngiting sabi ko sa kanilang lahat kahit na ako mismo ay kinakabahan na rin. Hindi na nagiging maganda ang pakiramdam ko. Lahat naman sila ay tumingin sa akin na may ngunot ang noo maliban kay Zain na nakatutok pa rin sa computer niya. "Be, baka antok lang 'yan. Itulog mo na lang, bili!" saad ni Charrie. Sinusubukan niya pagaanin ang tensyon kahit na siya mismo ay natatakot na rin. Hindi na ako nagsalita pa dahil time na rin kaya lahat ay bumalik na sa kaniya-kaniyang trabaho. Pumasok si Ms. Del Valgon at nangunot ang noo kaming tinignan. "Mukhang late yata ngayon si Zain, ah?" saad niya. Nangunot rin naman ang noo ko. Nang tingnan ko ang pwesto ni Zain ay sa akin na ito nakatingin kaya nginitian ko naman ito at ngumiti siya sa akin. Ngunit nagtataka rin akong tumingin dito dahil hindi natural ang kulay ng labi niya at ng kaniyang balat. Namumutla siya... "Zain, ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko naman na lahat ng tao sa office ay tumingin sa akin. "Ms. Curtis! Ano ba ang pinagsasabi mo riyan? Wala pa si Zain," sigaw ni Ms. Del Valgon. "Ha? Pina-prank niyo ba talaga ako? Ito nga siya, oh!" Hindi ko na napigilan sumigaw habang tinuturo ang eksaktong posisyon ngayon ni Zain. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Amor? Kinikilabutan ako dahil sa iyo," sabi sa akin ni Elira. "Enough! Ipagpatuloy niyo na lang ang pagtatrabaho niyo," sigaw sa amin ni miss. Tinignan ko ulit si Zain at sa akin pa rin ito nakatingin kaya hindi ko maiwasan na kilabutan din. Nang mag-lunch time na ay lahat kami lumabas na. Sumunod din sa amin si Zain kaya napangiti naman ako. Sabi ko na nga ba pina-prank lang nila ako, eh. Habang naglalakad sa corridor ay maraming usap-usapan ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Nang makarating sa canteen ay nag-order na ako ng pagkain ko. Nang makaupo ay nangunot ako dahil nakaupo lang si Zain at hindi um-order. Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Ms. Del Valgon na may malungkot na mga mata. Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa amin. "Si Zain... wala na," saad niya. Tila huminto naman ang aking mundo sa narinig ko. "Ano ang ibig mong sabihin?!" sigaw ko sa kaniya. Nagsisimula na rin lumabo ang aking paningin dahil sa mga nagbabadya na luha. Rinig ko na rin ang hagulgol ng mga head departments samantalang tahimik lang ang buong canteen. "Wala na siya, Amor. Wala na si Zain." Tumutulo na rin ang luha ni Ms. habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Imposible 'yan! Nandito nga siya—" Natigil ako sa aking pagsasalita dahil pagtingin ko sa harap ko ay walang Zain na nakaupo. "Si Zain..." hagulgol ko. "Prank ba 'to?! Kung oo, parang awa niyo na. Itigil niyo na!" sigaw ko. Isang malakas na sampal ang gumising sa akin. Pagharap ko ay lahat ng tao ay gulat na nakatingin kay Bessy. Nakita ko ang mga luha niya na walang tigil sa pagbagsak. "Tama na, Amor. Walang nagbibiro rito. Wala na talaga siya. Iniwan niya na tayo." Niyakap niya ako at humagulgol sa balikat ko. Sinuspinde ang pang hapon na pasok dahil sa nangyari. Buong kumpanya ang nakikiramay sa pagkawala niya... Nandito pa rin kaming lahat sa office at kami na lang ang tanging tao rito sa building. "Paano... paano namatay si Zain?" halos hindi makahinga na tanong ko. Nagsalita si Ms. Del Valgon. "Hindi pa nakikita ang katawan niya pero nang makita ang kotse niya ay wala ng gamit. Ninakawan siya. May bakas din ng dugo sa sasakyan niya..." "Ibig bang sabihin ay posibleng buhay pa siya—" "Tama na, Amor. Tama na, please," saad sa akin ni Bessy na halos walang ng boses dahil sa kaiiyak. "No, Amor. Nakunan ng CCTV footage ang lahat ng pangyayari at nandito ang lahat sa USB." Nilagay niya ang USB sa computer at sinimulan na buksan ang file. Buong pangyayari ay nakatakip lamang ako ng bibig habang tuloy-tuloy na umaagos ang aking mga luha. Si Zain... binaril siya mismo sa kanto kung saan niya ako hinatid... Walang tigil na hagulgol ang naririnig sa opisina namin. Kahit na si Ms. Del Valgon ay nagsimula na rin lumuha ulit. "Napakabait ni Zain. Bakit siya pa?" saad ni Charrie. "Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kung hindi lang sana—" "Stop, Amor! Don't blame yourself. Everyone don't want this to happen," saad ni Elira at niyakap ako. Sinusubukan niya pakalmahin ako pero kahit anong pakalma niya ay hindi pa rin ako natigil sa paghagulgol. Tumayo ang balahibo ko nang maramdaman na may malamig na bagay na dumapo sa akin. Pag-angat ko ng ulo ay nakita ko si Zain. Nakangiting nakatingin sa akin. "Zain..." Sinubukan ko abutin ang mukha niya ngunit bigla na lang itong naglaho. "Nakita mo na naman siya?" tanong ni Bessy. Tumango lamang ako. "Akala ko noong una ay nagbibiro ka lang sa sinasabi mo na nandito si Zain..." saad ni Charrie. "Kaya naman pala..." bulong ko. "Bakit?" tanong nila. "Kaya naman pala masama ang pakiramdam ko simula paggising ko dahil may masama na pa lang nangyari sa kaibigan ko." Yumuko lamang ang lahat at hindi na nagsalita pa. Lahat kami ay tahimik na lumabas ng kumpanya. Kahit na wala naman kaming ginawa masyado ay kitang-kita mo ang pagod sa aming mga mata. "Miss? Miss, nandito na tayo!" sigaw sa akin ng driver. "A-ah, salamat po." Agad ko naman binigay ang bayad. "Miss, sobra ito. Ito ang sukli mo," aniya. Agad ko naman itong kinuha at wala sa sarili natawa na lang bigla. Dahil sa kalutangan ko ay nakapag-para ako ng private car tapos maling address pa ang naibigay ko kaya doble ang binayad ko sa taxi driver. Nahinto ako sa paglalakad nang ma-realize na nandito ako sa kanto. Kung saan binaril si Zain... May mga pulis at soco pa rin na nag-iimbestiga at mga chismosa rin na nakikiusyoso sa nangyari. Nagsimula na naman magbagsakan ang mga luha ko dahil naalala ko ang huling ngiti at huling paggulo niya ng buhok ko na lagi niyang ginagawa... Umuwi ako nang wala sa sarili dahil sa nangyari. Pagbukas ni Uno ng pinto ay agad niya akong hinila papasok at nag-aalalang tumingin sa akin. "F*ck! What happened, Heina?" Tama ba ang narinig ko? Narinig ko siyang nagmura pero gusto ko na muna matulog...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD