One week had already passed.
In that one week, Uno didn't come back. He didn't even answer my calls and texts.
Ms. Del Valgon also called me and said that I won't be able to work in the company for a while. I asked why but I got no response.
One week of bonding with Lance. Teasing and shouting at each other is our daily routine.
Many things happened in one week and it brought me to confusion, worried, sad, and happiness. Mixed of emotion, that's what I always felt in that one week.
Today, I planned to go to the company and asked why. I want an explanation from them.
"Aalis ka rin?" tanong ko rito.
Tumango siya.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ko ulit sa kaniya.
Ngumisi siya. "Mukhang hindi ka na yata sanay na wala ako, ah?" aniya.
Hinampas ko siya dahil sa kaniyang tugon.
"Hindi ako sigurado kung makakauwi ako pero kung wala pa ako ng alas sais ng gabi, konti na lang ang iluto mo. Baka kasi hindi na ako makauwi," aniya.
"Mukhang may date ka, ah?" saad ko.
"Tsk. Ako lang 'to, kalma. Idol mo na naman ako," sabi nito at nagpogi sign pa.
Tinarayan ko na lang ito.
Bago pa kami lumabas ay inayos ko pa ang tie nito.
"Ang laki-laki mo na pero hindi ka pa rin marunong mag-ayos ng tie mo," saad ko rito.
Umiling-iling na lang siya habang napapangiti.
Nagulat ako dahil pagkalabas namin ay nandito pala ang kotse niya.
"May dala kang kotse?" tanong ko rito at hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha.
"Hindi ba halata?" pabalang na tugon niya.
Tinarayan ko na lang ulit ito dahil doon.
Lilihis sana ako ng daan nang hawakan niya ako sa braso at hilahin.
"Bakit?" tanong ko.
"Hatid na kita sa trabaho mo," saad nito.
Napataas ang aking kilay.
"Huwag na. Baka mahuli ka pa sa pupuntahan mong date," birong saad ko.
Ngunit wala na akong magawa nang siya na mismo ang nagpilit sa akin na pumasok sa sasakyan.
"Ituro mo na lang 'yong lugar ng kumpaniya na pinapasukan mo," aniya.
Tinuro ko naman ang direksyon at wala pang 30 minutos ay nakarating na kami.
Nakita ko sa rear mirror ang pagkunot ng noo niya ngunit agad iyon nawala nang mapansin niya na nakatingin ako rito.
"Dito ka pala nagtatrabaho?" hindi makapaniwalang tanong niya. Bakas din sa boses nito ang diin ng bawat salita.
"Oo, bakit?" tanong ko rito.
"Wala naman. Ingat ka," aniya.
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad na humarurot ang sasakyan niya.
Pagtingin ko sa kumpanya ay nakita kong nakatingin sa akin ang guwardiya kaya lumapit ako rito.
Nang makitang hahakbang ako papasok ng kumpaniya ay agad niya akong hinarangan.
"Miss Curtis, bawal daw po pumasok ang hindi empleyado rito," aniya.
Nangunot ang aking noo. "Empleyado naman ako rito, ah? At saka, wala naman sinabi na tanggal na ako sa trabaho," saad ko.
Marami pang sinabi ang guwardiya kaya hindi ko na rin maiwasan ang magtaas ng boses dahil sa anger issue ko.
Ang mga empleyado na nasa loob ay nagtitinginan na rin sa amin at nagbubulungan.
"Huwag ka magsimula ng eskandalo rito, Miss," saad nito.
"Hindi ako magsisimula ng eskandalo kung papapasukin niyo ako," sabi ko
"Miss, hindi ka nga pwede rit—"
"Hayaan niyo siya!"
Natigil ang guwardiya nang makita si Tita Thina.
Hinayaan naman ako ng guwardiya at saka sabay kaming pumasok ni Tita at sumakay ng elevator.
Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako dahil seryoso ang ekspresyon ngayon ni Tita Thina. Sanay naman na ako sa ganoong ekspresyon niya ngunit may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman.
Pagpasok namin sa office ay agad na sumunod sa amin si Ms. Del Valgon.
"Anong 'tong nabalitaan ko na nag-eeskandalo ka raw sa harap ng kumpaniya ko, Miss Curtis?" seryosong tanong niya.
Pa-sikreto akong napalunok ng aking laway. Hindi na ako sanay na tinatawag niya ako sa aking apelyido simula nang maging malapit kami sa isa't isa.
"Gusto ko lang po ng sagot sa aking katanungan, Tita—"
"Ma'am," ma-awtoridad niyang saad.
"Ma'am Thina." Lunok laway kong tugon.
"Then, what are your questions?" tanong nito.
"Bakit hindi niyo po ako pinapasok ng isang linggo? Ano ang ibig sabihin nang sinabi ng guwardiya? At saka, bakit hindi sinabi ni Ms. Del Valgon ang sagot sa aking katanungan?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"You have many questions..."
"I sincerely apologize for that. I just want an explanation to everything," I seriously said.
"It's okay. Many questions but only one answer," she said.
My eyebrows met because of what I heard and I started overthinking...
She smiled. "You're fired, Miss Curtis," she said.
I didn't move for a while and processed what she said and hoped that I didn't heard that.
I gulped. "Mali lang ang pagkakarinig ko, hindi ba?"
"Hindi ka naman bingi, Miss Curtis. Kaya kung ano ang narinig mo, 'yon ang totoo," aniya.
Tumayo ito at saka tumalikod sa akin. Akala ko ay aalis na ito ngunit pumunta siya sa bintana.
Tumayo rin ako at tumabi sa kaniya.
"I want an explanation for that, Ma'am Thina." Sa bawat salita na binibigkas ko ay may diin ang mga ito.
We're both watching the sun. It's already three in the afternoon, that's why we can clearly see the sun slowly going down.
"The company spent too much money from the accidents you made, Miss Curtis. You're such a troublemaker to the point that the company is almost in a bankruptcy," she emotionless said.
I gulped and tried to hold my tears from falling. "I believe that the accident cost is not that big to spend to," I bravely said.
From the transparent mirror, I saw her face me and smirked.
"Is that what you believe? Then, you're wrong. Anyway, you can't change everything, even though I argue with you. The fact that I will just waste my time if I do that," she said.
My tears are starting to fall.
I didn't expect that behind those soft features of her, she can be this person too.
Just like what others said, the truth hurts.
"M-may I know who's the manager now?" I asked.
I gulped again because my voice cracked.
She didn't hesitate to answer. "The one and only, Ms. Del Valgon."
Nakita ko rin sa salamin na yumuko si Ms. Del Valgon. Alam kong naaawa siya sa akin ngunit sa kabila noon ay gusto niya rin ang nangyayari sa akin.
Matagal na akong naka-pwesto na manager ng kumpaniya at tanging assistant lamang si Ms. Del Valgon.
Kahit na noon pa man ay napapansin ko na may sikreto siyang inggit sa akin dahil sa aking pwesto kaya bilang paggalang ay nirerespeto ko siya sa kaniyang sinasabi at ginagawa sa akin ngunit... minapula lamang niya iyon na naging dahilan upang maging 'under' kaming lahat sa kaniya...
I didn't spoke for a while.
Before she left, I faced her and smile. A genuine and last smile to her...
"It's nice to be with you, Tita. Thank you for everything. I enjoyed our last watching sunset moment. I'll treasure this," I said and left after.
I didn't hug her or took a glance to her anymore because after I turned away, my tears started to fell too.
I wiped it and silently walked outside the company. Every single walk I did is very important to me because this is the last time that I will walk in this company.
Paglabas ko ay agad naman tumulo ang ulan. Agad akong napahinga ng malalim. Kanina lang ay parang susunugin ka ng araw tapos biglang umulan.
Hindi ko tuloy alam kung nakikiramay ba ito sa akin dahil sa nangyari o mas lalo pa nitong pinapalala ang sitwasyon ko.
Tumawid ako sa kabilang kalsada kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao dahil basang-basa na ako sa ulan.
Pagtawid ko ay naghintay ako ng masasakyan ngunit hindi pa rin nawala ang tingin sa akin ng mga tao.
Hindi mo alam kung naaawa ba sila sa 'yo o pinandidirian dahil lahat sila ay nilalayuan ako na animo'y may malubhang sakit.
Nagulat na lamang ako nang biglang tumila ang ulan kaya napatingin ako sa aking itaas ngunit mas nagulat ako nang makita na payong iyon.
Nang tingnan ko ang katabi ko ay hawak-hawak niya ang payong.
Nagulat ako ganoon na rin ang mga naglalakad na tao sa gilid dahil bigla niyang tinupi ang payong dahilan upang mabasa rin siya ng ulan.
Agad ko siyang hinawakan. "Bakit mo tinupi 'yong payong? Nabasa ka na rin tuloy," suway ko rito.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng ganoong lakas ng loob upang magsalita ng ganoon sa hindi ko naman kilala.
Yumuko siya upang tignan ako. "I want to wet by the rain with you," he said.
In some words, suddenly my world stopped and the only thing I see... is him. Butterflies started flying in my stomach too. I must have felt cold because of the rain but I felt more hot because of him...
I shook my head because of too many hallucinations.
"Kahit na! Nababaliw ka ba? Paano kung magkasakit ka?" sigaw ko ulit dito.
Hindi naman normal na lagi akong kumakausap sa taong hindi ko kilala ngunit hindi ko rin alam kung bakit ba ganito ang pag-aalala ko sa lalaking ito.
Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya napatulala na naman ako dahil doon.
"It's fine. At least, we will both have a fever... together," he said.
My cheeks suddenly turned into red...
I know I look like a tomato right now.
"Huh! Hindi ako agad-agad magkakasakit. Matibay ata resistensya nito!" Umakto ako na pinapakita ko ang aking muscle at taas noong sinabi sa kaniya iyon.
Nagulat ako dahil tumawa lamang ito at umiling-iling.
"Kawaii," aniya.
Nangunot ang aking noo. "Huh? Anong sabi mo?" tanong ko rito.
Umiling lamang siya. "Nothing."
Ilang minutos na ang dumaan ngunit wala pa ring taxi na dumadaan dito. Puro kasi private vehicles.
"Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong ko rito.
Nakatayo rin lang kasi siya sa tabi ko.
"I'm waiting for you to get home safely," aniya.
Hindi ko alam ngunit sa bawat salita na binabanggit niya ay binibigyan ko ng kahulugan na hindi naman dapat...
"Eh? Hindi ka ba nahihiya? Halos pagtinginan na tayo ng mga tao, oh. Baka iniisip na rin nila na baliw tayo." Natatawang saad ko sa kaniya.
He smiled again. "I won't get ashamed because it's fine to be crazy with you."
Natulala na naman ako dahil sa ngiti niya. Tila ba sa tuwing nakikita ko ito ay pansamantalang nawawala ang problema ko.
Isang oras pa bago ako tuluyang makahanap ng taxi ngunit sa loob ng isang oras na iyon ay hindi rin tumila ang ulan kaya basang-basa talaga kami.
Bago ako pumasok sa taxi ay kinalabit niya muna ako.
"Hmm?" I asked.
He took my hand and opened it. He putted one candy on it.
"What is this for—Ah!"
Magtatanong pa sana ako ngunit agad niya akong tinulak papasok sa taxi.
Pagkatapos ko mag-seatbelt ay tumingin ulit ako roon sa pwesto namin kanina ngunit ganoon na lang ang dismaya ko nang makitang wala na siya roon.
Tinignan ko ulit ang kendy na nasa kamay ko. Napangiti na lang ako nang makita ito.
Hinawakan ko ito nang mahigpit at saka hindi kinain. Itatago ko ito upang maging magsilbing alaala sa kaniya.
"Ma'am, saan po ang address mo?" tanong ng driver.
Sinabi ko sa kaniya ang address ng kanto ng street namin.
Tinuruan ako ni Lance na dapat kung sasakay ka ng pampublikong sasakyan, tulad ng taxi ay dapat hindi mo sasabihin ang eksaktong lokasyon ng bahay mo upang pag-iingat na rin.
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong naligo upang hindi magkalagnat.
Habang nagpupunas ng buhok ay napangiti ulit ako nang makita ang kendy.
Kinuha ko ito at nilagay sa kahon kung saan doon nakatago ang mahahalagang gamit na ibinigay sa akin.
Agad nawala ang aking ngiti nang makita ang kwintas na binigay sa akin ni Uno...
Napakaganda nito kumpara sa kendy na hawak ko ngayon ngunit masasabi ko na mas nagpapangiti sa akin ang kendy na ito kahit na may pagkakataon na ma-expire ito sa kahit anong oras.
Siguro, susulitin ko na lang muna ang kendy na kasama ko habang hindi pa ito kinukuha ng mga langgam…