Chapter 21

2049 Words
Nang makarating ako sa bahay ay agad naman nagpaalam si Chae. Gaya ng inaasahan ko ay walang Uno na naghihintay sa sofa, 'di tulad ng nakasanayan ko noon. Nilinis ko ang sala at pagkatapos ay nagluto na ng pagkain para sa gabihan. Kahit na wala si Uno ay nagluto pa rin ako ng marami dahil alam kong uuwi siya. Uuwi si Uno dahil ako ang tahanan niya... alam ko 'yon. Habang kumakain ay nasa tabi ko si Heino. Nagpatugtog na lang ako ng kanta habang kumakain dahil nasanay na ako na laging maingay sa tuwing nasa lamesa ako. Ako na rin mismo ang naghugas ng pinggan na pinagkainan ko at tinakpan ang pagkain na para kay Uno. Alas diyes na ako ng gabi nakatulog dahil sa kahihintay kay Uno. Nagising ako nang may naramdaman na may sumusubok na buksan ang pinto kaya dahan-dahan ako bumangon at pinakiramdaman ang paligid. Lumabas ako sa aking kwarto at dahan-dahan na kumuha ng kawali sa kusina at pumwesto ako sa likod ng pinto. Sinusubukan ng kung sino na buksan ito at nang magtagumpay siya ay dahan-dahan niya itong binuksan. Nang mabuksan na niya ay sakto naman na nakatalikod siya sa likod ng pinto kaya iyon na ang pagkakataon ko upang hampasin siya. "Sh*t!" singhal niya. Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na 'yon. Pamilyar iyon sa akin kaya agad kong binuksan ang ilaw at napatakip ako ng bibig nang ma-realize na hindi pala ito magnanakaw... "Oh my goodness!" bulalas ko. Tinulungan ko siya tumayo at pinaupo sa sofa. "Why did you hit me?!" tanong niya sa akin. Nangunot ang noo ko at napataas ang kilay. "Aba! Bagay lang 'yan sa'yo. Kung makakilos ka e, para kang magnanakaw. At saka, bakit hindi ka na lang kumatok?" tanong ko kay Lance. Nag-iwas siya ng paningin sa akin at kunwari ay tinitignan ang buong bahay. "Anong kailangan mo sa akin, Lance?" seryosong tanong ko sa kaniya. "I just wanted to check you," aniya. "Check?! Sa ganitong oras? Sinong maniniwala sa'yo?" saad ko rito. "Tsk. Nasaan ang pagkain dito? Gutom ako," sabi niya. Napataas lalo ang aking kilay. "Anong pagkain? Hindi naman kita bisita para pakainin." Ngumisi naman siya. "Then, why did you let me enter your house? That means I'm a visitor," aniya. "Anong 'enter'? T*nga ka ba? Hindi kita pinapasok, ikaw mismo 'yong pumasok. Sa madaling salita, trespassing ka!" sigaw ko sa kaniya. "I don't care, anyway," he said. Nagtungo siya sa kusina at saka nagsimulang maghanap ng pagkain. Nang kakainin na niya ang pagkain na para kay Uno ay pinigilan ko siya. "Para kay Uno—para sa agahan ko 'yan!" Shoot! Lagot ako. I spilled the tea. Sigurado ako na magtatanong ito ng kung anu-ano. His eyebrows went up. "Uno, huh? Who's him?" he asked. I gulped. "U-uno? Who is he? I don't know either, hehe," I said and pretended that I didn't say something a while ago. "Hmm, fine but I'm really hungry. Can I eat these?" he asked. I nodded. Kung hindi ko siya papayagan na kumain ay baka lalo pa siyang magsuspetsa sa akin. Chae is the only one who knows about Uno. My co-workers only know his face. "Oh? Hindi mo 'yon huhugasan?" ma-awtoridad kong tanong sa kaniya at tinignan siya ng masama. "Bakit ko naman huhugasan? Akala mo masarap 'yang niluto mo? Hindi! Sobrang pait," aniya. "Mapait pero naubos mo? At saka, ikaw ang kumain kaya dapat ay ikaw maglinis," saad ko rito. He sighed. Wala na siyang nagawa kun'di sundin na lang ang inutos ko at hinintay ko siya na makatapos habang ako ay nakaupo lang sa sala. Nang matapos ito ay umupo siya sa tabi ko. "Can I sleep her—" "Hindi pwede. Walang ng espasyo 'tong bahay para sa 'yo," saad ko. Hinawakan niya ang aking braso kaya napatingin ako roon. Tinignan niya ako at sinubukan ang 'paawa effect'. Tinanggal ko ang kamay ko at siniko siya ng malakas. "Ouch!" "Bagay lang 'yan sa'yo," sabi ko sa kaniya. "Naging amazona ka na, ah?" aniya. I smirked at him. "Wala akong pake. Baka paikutin mo pa ako. Ang mahalaga ay hindi ka matutulog dito," saad ko. "Please!" Pinagdikit niya ang kaniyang dalawang palad na animo'y nagmamakaawa. "May condo ka, 'di ba? At saka, may bahay ka? Bakit dito pa sa bahay kong hindi ka naman welcome?!" inis na tanong ko rito. Ngumiti siya na parang aso. "Wala akong kasama sa condo at saka masyadong malaki 'yong bahay para ako lang mag-isa matulog," aniya. "E 'di palit tayo ng pwesto. Doon ako sa bahay mo matutulog tapos ikaw dito," mataray na ani ko rito. "Bili na! Gusto ko matulog ulit na katabi ka!" pagmamakaawa niya. Humikab ako dahil sa antok. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya at tumango na lang. Hahayaan ko na makalusot siya kahit ngayon lang dahil antok na antok na rin ako. Nauna siyang pumasok sa kwarto habang tumatakbo, sumunod na lang din ako sa kaniya. Bigla niya ako hinila pahiga sa kama at kinumutan ako bago niyakap. "Good night, Heina," aniya. "Night," saad ko. Bago pa tuluyang mawala ang ulirat ko ay narinig ko pa ang sinabi niya. "I miss you so much... I miss this. I hope we can do this always... just like before," saad nito. A slight smile came from my mouth. Not a fake one but a genuine one. I miss this too, Lance. Nang magising ako ay halos sinakop na ni Lance ang buong kama. Paano ba naman kasi ang paa niya ay nasa tiyan ko habang ang ulo niya ay nasa kabilang tagiliran ng kama. Iling-iling na lang akong bumangon at saka dahan-dahan na inayos ang pagkakahiga niya. Naghilamos ako at saka lumabas ng sala. Ganoon na lang ang dismaya ko nang makitang walang bakas ni Uno, kahit ang anino niya. Inayos ko muna ang damit ko bago lumabas. Balak kong harapin si Flair at kailangan ko ng paliwanag. Pagkalabas ko ay agad na tumingin sa akin ang mga chismosang kapitbahay ngunit hindi ko sila pinansin. Kumatok ako sa bahay ni Flair ngunit walang nagbukas. Sinubukan ko pa na tawagin ang pangalan niya ngunit walang sumagot nang lapitan ako ng kapitbahay niya. "Amor, anong kailangan mo riyan?" tanong niya. "Si Flair po?" "Si Flair?" aniya at nagpatuloy, "nakita ko siya kagabi na naghahakot ng gamit. Nagpatulong pa nga siya sa anak ko na magpabuhat ng bagahe niya. Aalis na raw siya, e. May kasama rin siya na matangkad na lalaki kaso hindi ko masyado maaninag 'yong mukha gawa ng madilim pero mukhang yayamanin." "Ah, ganoon po ba? Sige, maraming salamat," saad ko at umalis. Nanghihinayang naman akong bumalik sa bahay. Ayaw ko mag-isip-isip ng kung anu-ano ngunit hindi ko maiwasan na magtaka. Sana naman ay hindi si Uno ang lalaking tinutukoy niya... "Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? Panira ng umaga 'yan kapag nakikita ko," saad ni Lance. "E 'di, huwag mo tignan," saad ko rito. "Ang aga-aga pero ang sungit-sungit mo." "Lagi naman. Hindi ka pa ba nasanay?" tanong ko rito. Ngumiti siya at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko kaya marahas ko naman tinanggal ang kamay niya sa ulo ko. "Aray!" sigaw niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka nagpatuloy na ako sa kusina nang makapagluto na ng pagkain. "Mukhang matamlay ka yata?" tanong niya. "Huh? Hindi naman," saad ko. I lied. "Oh, ito na ang pagkain niyo, señorito," sarkastikong saad ko. "Salamat, yaya!" ngiting sabi niya na may pagka-sarkastiko rin. Tinarayan ko na lamang siya. Habang kumakain kami ay bigla siyang nagsalita. "Pwede ba na rito na lang muna ako titira?" tanong nito. "Hindi pwede," mabilis kong sagot. Hindi sila pwedeng magkita ni Uno dahil alam kong i-papaimbestiga niya siya at pag nangyari 'yon ay makakauwi na si Uno sa pamilya niya... hindi naman sa pagiging selfish pero kung mangyari 'yon, magkakahiwalay na kami ni Uno... "Please!" pagmamakaawa niya. Tinarayan ko na lang ito. "Wala namang rason para tumira ka rito," saad ko. "Mayroon!" sigaw niya. "Ano? At saka, pwede ba? Huwag ka sumigaw nasa harap tayo ng hapag-kainan," ani ko sa kaniya. "I felt so lonely." Nag-acting pa siya na parang tinutusok-tusok ang kaniyang puso. Iling-iling na lang akong napatawa. "Bili na!" pagpilit niya sa akin. Umiling na lang ako dahil may laman ang bibig ko. "Oo nga pala..." pasimula niya. "Hmm?" tanong ko. "Nakita ko 'yong teddy bear mo roon sa sala," aniya. "Oh, ano naman?" pabalang kong sagot dito. "Hindi ba't may nagregalo sa'yo noon?" saad nito. Natigil ako sa pagnguya dahil doon. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagbigay nito dahil halos kalahati ng memorya ko noong bata pa ako ay nakalimutan ko na dahil sa nangyari na trahedya noong mga nakalipas na buwan... Natigil din siya sa pagkain nang makitang hindi ako tumugon sa sinabi niya. "Ah, huwag mo na pansi—" "Sino ang nagregalo sa akin noon?" tanong ko. Tila nagdadalawang-isip pa siya bago sumagot. "Hindi ko rin alam," aniya at bumuntong hininga. "Maaari mo ba akong kuwentuhan tungkol sa nangyari sa akin noong bata ako?" tanong ko rito. Tumango siya. "Pagkatapos natin kumain." Pagkatapos noon ay tahimik na namin pinagpatuloy ang pagkain at saka siya na rin ang naghugas ng pinggan. Umupo kami sa sala at hindi binuksan ang telebisyon. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hawak-hawak ko si Heino. "Your stare is creeping me out," he said and acted like he's shivering. I didn't respond to what he said. "Tell me a story about my childhood best memories," I said. He sighed. "Okay but in one condition." He smirked. My eyebrows met. "What is it?" I asked. "Let me live here," he said. I didn't answer to what he said. I hesitated to answer. If he stayed here, he might see Uno if ever he come back but if he didn't stay here, he wouldn't tell what my childhood was… I took a deep breath. "One week," I said. "No, one month," he said. Tinignan ko siya ng masama. Like, seriously?! "Two weeks," I said. "Two months." He smirked. "Argh! Fine, one month," I said and shouted because of frustration. "Yes!" he shouted and acted like a kid. He punched the air and jumped on the sofa. I giggled. "Can you tell me now?" I asked out of command. He giggled. "Okay. I will," he said. "I actually really don't know who gave you that teddy bear. It's just one day, you came home wearing the smile on your face and that teddy bear." "Did I say something?" I asked. "Tito asked you, who gave that to you? But you just responded 'my best friend'. I asked whom but you said 'someone you don't know'. Confusion written on our faces because even how many times we asked you that, you would just say the same answer. But..." He cutted and teased me with his eyes. "But?!" I shouted. He laughed. "But one day, I asked you that again but you said 'my enemy'. It's different to what you've always said, that's why I am really confused. I tried to ask you again but you didn't answer anymore," he said. "Naguluhan ka sa sagot ko noon?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Ako rin naguluhan sa kwento mo," pabalang na sagot ko rito. Tinulak naman niya ako kaya nausod ako sa kabilang tagiliran ng sofa. "Aba!" Agad kong kinuha ang unan na nasa likod ko at sakto na tumama ito sa mukha niya. "3 points!" sigaw ko at tumayo at kunwari na may ni-shoot na bola sa invisible ring. He shook his head. Lumapit ako sa kaniya. "Bakit?" tanong nito. Kahit na hindi mo tanungin ay mababasa mo na agad ang sasabihin niya dahil sa ekspresyon nito. I hugged him. He gasped. "Tell me everything that happened in the past. I want to remember it again," I said. He hugged me too. "Don't worry, Heina. I will do that even if you didn't say," he said. He caressed my back and comforted me. I love him so much. Lance POV; I'm hesitating to tell it to you, Heina. I know you're not ready yet to know it again due to your trauma reaction. I'll just let the time pass by and I'll tell you step by step. You still need some time. You're still not ready yet…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD