NAGTATAKANG inilibot ni Charlotte ang kanyang paningin sa loob ng isang malaking silid sa main house kung saan siya dinala ni Nanay Eliza. Hindi mahirap hulaan na iyon ang “shrine” ng namayapang si Scott Quirino. Pinagmasdan niya ang life-sized portrait ng dating bokalista ng Stray Puppies. He was smiling and he really was handsome. “I wish the two of you had met each other when he was still alive. He would’ve been so happy,” ani Nanay Eliza sa kanya. “Sana nga ho ay nakilala ko siya,” sabi na lang niya. Habang nakatingin siya sa larawan ni Scott ay may kakaiba siyang nadama. Tila pamilyar ito sa kanya. Hindi lamang dahil nakikita na niya ang larawan nito noon pa man. Tila pakiramdam niya ay nakasama na niya ito dati. Bakit kaya ganoon? “Kuwentuha

