CHAPTER 1
CHAPTER 1
“ITUTULOY mo pa ba talaga iyang binabalak mo? Hindi mo ba mababago ang pasya mo, Anastashia?” Pagkatapos iyong sabihin ni Michel ay hinigop nito ang kapeng kanina lamang nito tinitigan.
“Oo, hindi na mababago ang desisyon ko. I have no doubt, Michel. Kagustuhan ko ’to.” Nababanaag sa boses niya ang sobrang kagustuhan sa pasya niya. Inalis ni Anastashia ang kanyang titig sa kausap na kaibigan upang ibaling ang paningin sa ibang direksiyon.
Hindi na siya nito mapipigilan pa. Buo na ang pasya niya na kahit tututol si Michel. At sa nakikita ni Anastashia sa ekspresyon ng mukha nito ay talagang hindi nito gusto ang kanyang pagpapasya.
Noon pa man ay protective kind of a friend si Michel sa kanya. Maaalahanin ito. Kung ano’ng mga bagay na kailangan niyang pagdedesyonan ay dapat ding malalaman ni Michel ang mga iyon. Kasama niya noon pa man si Michel sa lahat ng problemang kinasasangkutan niya. Matalik silang magkaibigan. Walang sekreto sa isa’t isa. Kumbaga ay para na silang magkapatid.
Tuwing nagkakaroon siya ng boyfriend nandito si Michel para suportahan siya. Maraming beses na rin siya nitong pinagtanggol sa nang-aapi sa kanya. Ngunit parang nagbago na ito ngayon. Hindi na ito naging suportado sa kanya. Parang inalisan na siya nito ng puwang sa sariling desisyon niya na noon naman ay hindi nito ginagawa.
Nang muli niya itong tinitigan ay nakikita niya sa ekspresyon sa mukha nito ang pagkabahala at pag-alala. Gano’n naman talaga ito sa kanya. Maalalahin at pawang mahal lamang siya nito. Pero kakaiba ang nararamdaman niya sa ekspresyon nito ngayon.
Sa isang coffee shop na katabi lamang ng bahay ni Anastashia sila nag-usap. Isang nature friendly na coffee shop ang kanilang naging tagpuan para pag-usapan lamang ang bagay na lagi niyang binabanggit dito. At kahit na malayo ang pinanggalingan ni Michel ay hindi ito nagdalawang-isip na puntahan siya sa Mindanao. Galing si Michel sa Visayas para sa business trip nito pero nang tinawagan niya ito ay hindi ito nagdalawang-isip na puntahan siya. Na-gi-guilty nga siya dahil doon. Naalintana niya ito.
“Sana naintindihan mo ’ko,” dagdag niya pa.
Para namang nabunutan ng buhok sa kilikili si Michel dahil sa sinabi niyang iyon. Sumama ang ekspresyon sa mukha nito.
“My God, Anastashia! Hindi mo ba alam kung anong klase na tao iyang si Arthuro Gatciano?” Ang ekspresyon nito sa mukha nito ay hindi makapaniwala. “He’s a dangerous man, Anastashia! Mapanganib siya! Alam mo ba ’yon, ha?” Parang nanggigigil na ito. Halos mabasag ang baso sa higpit ng hawak ni Michel.
Isang porsiyento na lang ay sasabog na ito sa nararamdamang inis. Siguro nga ay galit na ito.
“I know that Michel ... pero hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya. At may rason ako kung bakit ko ‘to ginagawa.” Sumimsim muna siya ng kape bago niya muling hinagilap ang mga mata nito para titigan. “Bakit mo ba ako pilit pinipigilan ngayon? ‘Di ka naman ganyan dati, ah?” muli siyang huminto.
Namumula ang pisngi ni Michel at napansin niyang kunot ang noo nito. Parang hindi nito ninais ang sinasabi niya.
She parted her lips to make a sarcastic smile. “Alam ko na kung bakit hindi mo gusto na maging secretary ako kay Arthuro Gatciano. Dahil nga ba ay mapanganib siya, Michel?”
Hindi niya ikinabahala ang naging ekspresyon ni Michel. Hindi niya mawari ang namutawing ekspresyon sa mukha nito.
Muli siyang nagsalita, “O baka ay ayaw mo lang na mapalapit ako sa taong mahal mo?”
“Anastashia!” mabilis nitong tugon.
Nagpatuloy si Anastashia sa pagsasalita. Wala siyang pakialam sa mararamdaman nito ngayon. “Am I right, Michel? Nababahala ka ba talaga para sa akin? O ayaw mo lang talaga na mapalapit ako sa Arthuro mo?”
“Hindi kita pinipigilan. I’m just concern,” mabilis na tugon nito. Naging mailap ang tingin nito. “Just that!”
“Concern or what?” Alam niyang may iba itong dahilan. Hindi lamang nito masabi-sabi sa kanya.
“Ano ba’ng gusto mong palabasin?”
“Dapat ako ang nagtanong niyan, Michel. Ano ba’ng gusto mong palabasin?” aniya dito.
She could feel the tense between her and Michel. Kulang na lang ay magtagisan sila ng titig.
Kitang-kita ni Anastashia mismo sa dalawang mata niya kung paano nangunot ang noo ni Michel sa sinabi niyang iyon. Pinipigilan lamang nito ang tunay na nararamdaman nito. Hindi na nga ito nainis, galit na ito pero marunong lamang magtimpi.
Pagkuwan ay nag-ayos ng sarili si Michel. “Kailangan ko na ng bumalik sa Maynila, Anastashia. Mabuti pa na huwag na natin itong pag-usapan pa.” Nagmadali itong tumayo.
Wari ni Anastashia na napupuno na sa inis ang kaibigan niya. Inayos nito ang mamahaling bag bago isinakbit sa balikat.
“O, sige,” usal niya. She made a genuine smile for her bestfriend.
Kung nais nitong umalis ay hahayaan lamang ni Anastashia ang kaibigan. Wala sa pakialam niya ang pigilan pa ito. Mas mabuti na iyon.
Ngunit hindi siya maaaring mabigo sa kanyang tunay na pakay. Kung aalis na ito, tama na nasabihin niya ang nais niya. “Nakapasa na ako sa kompanyang pagtatrabahuan ko, Michel. Sa kompanya ni Arthuro.”
Ikinahinto iyon ni Michel na siyang dahan-dahang lumingon sa kanya. “What?!”
Tumayo na rin siya. Inayos ang sarili bago muling humarap sa nagulat na kaibigan. Ngumiti siya ng peke rito. ”Don’t worry. Hindi ko naman aakitin ang Arthuro mo.”
Pagkatapos sabihin iyon ay nilagpasan niya ang nakatigil na si Michel. Hindi man lang ito nakapagsalita pero ang bibig nito ay nagkikibot-kibot na parang may gustong sasabihin.
Kung ikinawindang iyon ni Michel, kulang pa iyon. She was prepared. Kaya huminto siya nang hindi pa tuluyang nakalalayo sa kinalalagyan ni Michel. “You can’t blame someone — me, dahil alam ko na ang lahat. Enough for pretending, Michel. Nagsasawa na ako sa ginagawa mo. Nagtiis ako ng mahabang panahon at ngayon, kailangan mong magbayad!” At siya’y nagpatuloy na sa paglalakad. Wala siyang lingong tumalikod sa hindi nakapagsalita niyang kaibigan.
Kasabay rin sa pagtalikod niya ay ang pagtakwil nito bilang kaibigan niya. Hindi na niya kailangan ng kaibigang katulad lamang ni Michel. At kung tutuusin ay kulang pa iyong ibinigay niyang sindak kay Michel kung i-kukumpara iyon sa kanyang naranasan sa panloloko nito sa kanya. Walang-wala iyon kumpara sa ginawa nito sa kanya.
Matagal na siyang pi-neke ni Michel. Masakit iyon para sa kanya dahil dalawang taon siyang naging tanga. Dalawang taon na naniniwala rito. Ang akala niya ay totoong kaibigan si Michel, iyon pala ay peke ito. Ang masakit pa ay inagawan siya nito ng nobyo. Nang dahil sa panggagago ni Michel ay nasaktan siya nang sobra. Para ba na binaril ng paulit-ulit ang kanyang dibdib at sinasaksak ng maraming beses.
Mahal na mahal niya si Clifton, ‘yon ang totoo. Tipong hindi niya binibigyan ng sakit sa ulo ang dating nobyo at ni hindi niya ito pinagbuhatan ng kamay. Kahit kailan ay hindi niya ipinaramdam sa nobyo na hindi niya ito mahal. She was in love with Clifton. But Clifton was like a bubbles, he fades fast. Ang nobyo niya na bigla na lamang naglaho sa kanyang tabi. Nakapatong na pala ito sa katawan ni Michel. Iyon pala’y iba na ang kasama nito sa kama.