Maxine Lyanne's POV Malakas ang ulan mula sa labas ng bintana ng kwarto ni Gamble. Nagliliparan ang mga kurtina dahil sa lakas ng hangin na kasabay ng ulan. May bagyo. Pinagpatuloy ko ang pag-iimpake ng mga gamit ko sa isang malakeng maleta para sa pag-uwi ko sa mga Lola ko ngayon araw habang hindi pa ganoon kalakas ang bagyo. Ayon sa balita mas lalakas pa ang bagyo kaya gusto ko na makauwi sa Lola ko ngayon pa lang. Birthday na rin bukas ni Lolo at hindi ako pwedeng mawala roon. "Anak?" Mabilis akong napatingin sa pinto ng kwarto dahil sa pagtawag sa akin ni Mommy. Nakadungaw siya rito na may hawak na telepono. "Mom?" nakangiting tanong ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ng carpet at itinigil na muna ang pag-aayos ng mga gamit ko. Lumapit ako sa pinto kung saan nakatay

