Maxine Lyanne's POV Parang binibiyak ang puso ko sa sobrang sakit habang pinagmamasdan ko siya na isara ang maleta niya. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama at walang magawa kundi ang panoorin siya. "Come here, baby." Agad akong tumayo sa kama at lumapit sa kanya. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit. Sobrang bilis ng panahon at aalis na siya. Maiiwan na ako. "Sandali lang naman ako roon. Huwag ka ng malungkot." Napatalon ako sa kanya at parang musmos na nakakapit lang sa kanya. Aalis na talaga siya. Ito ang unang beses na magkakalayo talaga kaming dalawa "Pagbalik ko, marami akong pasalubong sa'yo." Napapikit ako at napasubob sa leeg niya. Marami siyang pasalubong o wala man, mas gusto ko pa rin na makauwi siya sa akin ng mas maaga. Masyado akong nagigi

