Maxine Lyanne's POV "Saan ang punta natin?" tanong ko kay Gamble habang nasa gitna kami ng byahe. Natapos na ang araw ng birthday ko pero pakiramdam ko, birthday ko pa rin dahil aalis kami ni Gamble. Maayos siyang nagpaalam sa Lolo at Lola ko na aalis kami at babalik na rin muna sa hacienda. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila basta napapayag niya ang mga Lolo ko. Kakaiba ang mayroon kay Gamble kaya sobrang dali niyang mapapayag ang Lolo at Lola ko. Nakuha niya nga agad ang simpatya ng mga ito kahit na minsan ang sungit talaga ni Lolo sa kanya. "Sa rest house ni Pierre," sagot ni Gamble sa akin. Binabatak niya ang kahabaan ng kalye na napapagitnaan ng mga nagtataasang d**o. "Sinong Pierre?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang narinig ang Pi

