Maxine Lyanne's POV Walang mapagkakatiwalaang lalaki sa mundo na mayroon ako. Pinagmasdan ko ang kisameng kulay puti. Ito agad ang nakita ko sa pagmulat ng mga mata ko. Napatingin ako sa kanang kamay ko na may nakakabit na IV dextrose. "Apo, mabuti naman ang gising ka na—" "No!" Napayakap agad ako sa sarili ko. Ayokong lumapit siya sa akin dahil sigurado ako na katulad lang siya ni Ronnie. Mabait sa una pero alam kong may masamang balak sa akin. "Maxine ako ito. Si Lolo mo. Hindi mo ba ako natatandaan?" nakangiting tanong nito sa akin. Sunod-sunod akong napailing sa kanya. Kilalang-kilala ko siya at ayokong lumapit siya sa akin. Napakabait niya sa akin pero alam ko na may tinatago rin siya sa akin. "L-Lumayo k-ka sa akin." "Apo, si Lolo mo 'to." Humak

