Maxine Lyanne's POV "Dahan-dahan sa pagtanggal sa tangkay ng ubas para hindi ka masugatan," saad sa akin ni Gamble. Tumango ako sa kanya at maingat na inilasi ang ubas sa tangkay. Ngayon kami gagawa ng simpleng wine na siya mismo ang magtuturo sa akin. Nasa likod siya habang nakaharap ako sa ibabaw ng steel table. Kaming dalawa lang ngayon sa pabrika nila dahil ayaw niyang mailang ako kapag may ibang tao. "Done!" Humarap ako kay Gamble na hawak ako isang steel bowl na may lamang ubas na wala na sa tangkay. "Good." Hinalikan niya ang ulo ko at hinawakan niya ang likod ko. "Anong gagawin kong sunod?" nakangiting tanong ko sa kanya. Mabagal lang ang paglalakad namin ni Gamble dahil nag a-adjust pa rin ako. Hindi naman na masyadong masakit dahil nagbabad ulit kami sa mainit na tubig

