Chapter 3

1038 Words
"Tila nababagabag ka pa rin yata sa paglisan ng iyong sinisinta?" Mariing napahawak si Nitidus sa hawak na kopita sa tinuran ng kaniyang wangis sa salamin. "Wala ako sa kondisyon upang pakinggan ang opinyon," inis niyang tugon dito. Nagpakawala naman ng mapang-inis na halakhak ang kaniyang wangis at saka muling nagsalita. "Mukhang hindi yata sapat ang pag-ibig mo sa binatang anak ni Magnus kung kaya ikaw ay kaniyang nilisan." Hindi na nakapagpigil si Nitidus at tumayo mula sa kaniyang inuupuan at nagtungo sa harap ng salamin. "Huwag mo akong linlangin! Alam kong alam mo kung saan totoong nagtungo si Acutus!" Tiim ang kaniyang bagang habang pinagmamasdan ito nang mariin. "Tama ka. Alam ko kung nasaan si Acutus. Ngunit hindi na magiging masaya kung malalaman mo pa ang kaniyang mga hakbang," sabi nito. Naramdaman pa ni Nitidus ang paghaplos ng malamig na kamay nito sa kaniyang pisngi. Iyon ang dahilan kung kaya pinipilit niyang huwag lapitan ito. Natatakot siyang ano mang oras ay tuluyan nitong angkinin ang kaniyang katawan kaya naman mabilis siyang napaatras. "Tandaan mo, Nitidus. Ako at ikaw ay iisa. Hinding-hindi mo ako kailanman maiwawaksi sa iyong puso. Ang Tractacio ang siyang gumising sa akin mula sa iyong natutulog na diwa kaya naman sa pagdating ng Cieri ay aangkinin ko na ang dapat ay matagal nang sa akin." Hindi na muling nagsalita pa si Nitidus at tinalikuran na lamang ito. Tila nabatid naman ng imahe sa salamin na tila may pinaplano ito kung kaya minabuti na lang nitong maglaho na muna sa presensya ni Nitidus. Sa kabilang banda, hindi naman mapakali si Nitidus dahil hindi niya batid ang paglisan ni Acutus. Hindi niya maiwasang magalit dito lalo pa at dinala nito ang Rudimenta taliwas sa kaalaman ni Herus. Ang tanging tanong na bumabagabag sa kaniya ay kung paano nakuha ni Acutus ang singsing gayong nasa pangangalaga ito ni Herus? *** Hindi alam ni Vis kung anong gagawin habang walang labang nakagapos sa bawat kanto ng kama. Maya-maya pa ay pumasok si Iudex ng silid at nilapitan siya. "Lady Vis, mabuti naman at gising ka na." "Anong ibig sabihin nito, Iudex? Kalagan mo ako!" Tiim ang bagang na sabi ni Vis. "Ginagawa ko lang ito para sa kapakanan mo, Lady Vis. Hayaan mo, sa pagbalik natin sa Regia Mundi ay wala ka ng aalalahanin pa kung hindi ang pagsasama na lamang nating dalawa." Tila naman walang balak si Iudex na magpaliwanag kay Vis kaya mas lalong nagpumiglas si Vis sa pagkakagapos sa kaniya. "Hayop ka, Iudex! Pinagkatiwalaan kita! Paano mo nagawa sa akin 'to?" Hindi na napigilan pa ni Vis na maluha dahil sa halu-halong sama ng loob. Napangiti naman ng mapakla si Iudex bago ito hinarap at nilapitan. Yumuko siya upang ilapit ang mukha rito at hinawakan niya ito nang mariin sa panga at iniharap sa kaniya. "Paano ko nagawa ang lahat ng ito sa iyo? Simple lang, iniibig kita, Lady Vis. Tapos ano ang nakuha kong kapalit ng pag-ibig na iyon? Ang itaboy at ipamukha sa aking hanggang kamatayan ni Acutus ay siya pa rin ang pipiliin mo?" Tumayo si Iudex nang tuwid at tumalikod dito. "Tama ka! Niloko kita. Pinili kong makipagsabwatan kay Nitidus at pagmukhaing namatay ang lahat upang mailayo ka kay Acutus nang sa gayon ay mapansin mo naman ako. Nangyari nga iyon. Ngunit hindi ko pinlanong malalaman mo pa ang totoo." Kinuha nito ang isang maliit na bote na naglalaman ng isang likido. Kaagad nitong tinanggal ang takip at tinitigan ito. "Hindi ko akalaing kinakailangan ko palang gawin ito para lang maging akin ka." Kaagad na sinimsim ni Iudex ang likidong laman ng maliit na bote at deretsong naglakad palapit kay Vis. Nagpupumiglas pa si Vis mula sa pagkakagapos nang biglang higitin ni Iudex ang kaniyang leeg at tuluyang inilapat nito ang labi sa kaniya. Hindi mawari ni Vis kung ano ang likidong nasa bibig nito na tuluyang dumaloy sa loob ng kaniyang bibig at dahan-dahang bumababa sa kaniyang lalamunan. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nawalan ng lakas at nawalan ng malay. *** Nagmulat si Vis ng mga mata at isang pigura ang siyang natagpuan niya sa kaniyang tabi. Napangiti siya sa kung paano ito matulog na animo'y isang maamong tupa. Kaagad niyang hinawi ang buhok nito na tila naramdaman naman nito kaya nagising ito. "Lady Vis..." "Paumanhin. Nagising ba kita?" nakangiting tanong niya rito. "Hindi naman. Natutuwa lang ako na ikaw ang unang nasilayan ko sa pagmulat ng aking mga mata." Dahan-dahang hinaplos ni Iudex ang pisngi ni Vis habang tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. "Ibig bang sabihin niyan ay masaya kang ako ang katabi mo sa iyong pagtulog?" tanong ni Vis. "Oo, Lady Vis." Hindi naiwasan ni Iudex na kabahan sa maaari nitong isagot sa kaniya. "Kung gayon, simula sa araw na ito, hinding-hindi ka na muling mag-iisa sa iyong pagtulog." Hinaplos ni Vis ang pisngi ni Iudex. Doon lang napanatag ang pakiramdam ni niya nang marinig ang mga sinabi ni Vis sa kaniya. Dahan-dahang inilapat ni Iudex ang labi kay Vis na kaagad namang tinugon ni Vis. Dahil doon ay mas lalong nagbunyi ang puso ni Iudex dahil sa pangarap niyang unti-unting natutupad. Mahigpit niyang niyakap si Vis na hindi naman nito tinanggihan. Tuluyan niya nang pinag-alab ang halik na iyon at dahan-dahang iginapang ang kaniyang kamay sa kabundukan nito. Ramdam na ramdam naman ni Vis ang pananabik sa labing ngayon ay kasalo niya nang maramdaman ang kamay nitong naglalakbay sa kaniyang dibdib. Hindi niya batid ngunit may kung ano sa kaniyang puso na tila ba tumatanggi sa mga nangyayari. Ngunit sa kaniyang isip ay paulit-ulit na pumapasok ang pagnanais na makasama ang lalakeng ngayon ay nasa kaniyang bisig. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at tiannggap ang bawat halik nito. Ang paglalakbay ng kamay nito sa kaniyang dibdib pababa sa kaniyang hiyas na nakukubli sa kapirasong tela. Hindi niya naiwasang magkawala ng mahinang halinghing nang maramdaman ang kamay nitong naglalaro sa kaniyang perlas hanggang tuluyang dumapo ang mainit na labi nito sa tuktok ng kaniyang bundok. Napasabunot siya rito nang mariin at hindi niya naiwasang masambit ang isang pangalang mahinang ibinubulong ng kaniyang puso. "Acutus..." Doon lang tuluyang tumigil si Iudex sa ginagawa at tiningnan siya nang may pagdaramdam. "Lady Vis..." "I-Iudex..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD