CHAPTER 2

2493 Words
3 MONTHS AGO “Zoe look at her! Yeah. That’s right. Look at the camera! Fiercer! Yes good “ Ngiti ni Mars saakin habang panay ang click ng kanyang camera Nasa isang photoshoot ako ngayon inimbitahan ako ng isang malaking clothing brand dito sa Pilipinas. Dapat ay bakasyon ko ito dahil kababalik ko lamang noong isang araw galing Paris France. Doon kasi talaga ako naka based at nagpapabalik-balik lamang ako dito dahil nandito ang aking pamilya at karamihan sa aking kaibigan. Patuloy lamang ang aking pgapopose dahil nangangalay na din ako. Mahigit tatlong oras na kaming nagshoshoot at masakit na sa balat ang sikat ng araw. Nasa isang Garden kasi ang location ng photoshoot at ito’y pag-aari ng isang malaking kumpanya. Nakalimutan ko lamang ang pangalan nito. “Okay Zoe. Give all that you got. This is our last 3 shots. In 1.2.3 pose!” Sige lang nang sige ang pagclick niya habang ako’y patuloy lang din sa pag pose. “ It’s a wrap!” Binaba niya ang kanyang camera at lumapit sa akin. Inabot ko naman ang Robe na inaabot ng aking PA bago siya hinarap. “It’s really our pleasure working with you Zoe! You really didn’t disappoint us” Sabi niya. Mars is a gay. Hindi mo mahahalata kung di mo siya lubusang kilala dahil sa ayos panlalaki pa naman siya kung manamit. I’ve already worked with him before. Ilang besis ko na siyang naging Photographer at masasabi kong naging magkaibigan na kami kalaunan. “Thanks Mario” Biro ko sa kanya at nanlalaki ang kanyang bilugang mata sa kanyang narinig. “Hoy Gaga! Wag mo akong ma Mario Mario diyan ha! It’s Mars for you darling! At may utang ka pa sakin” Irap niyang pahayag. “ Baka nakakalimutan mong galing kang Paris at wala kang pasalubong sa akin! Kakalbuhin kitang bruha ka!” Pabirong hinihigit niya ang aking buhok at natawa naman ang mga taong naroon at malapit lamang sa amin na naririnig ang aming usapan. “ Pinasulubungan kita ng pagmamahal ko Mars! Pero di mo naman yun tinanggap hindi ko na kasalan iyon" Sabi ko sa madramang boses “Yuck! Kilabotan ka nga diyan Girl! Ang sagwa mo ah! Baka may papang makarinig sayo at wala nang magkainterest sa akin. Madami pa naman daw mga poging nandito sa kumpanya palagi” Kinikilig nitong sabi. “So ipagpapalit mo ang alindog ko sa gwapo? I’m hurt babes" Kunway nasasaktan na wika ko “Gaga! Bahala ka nga diyan may kung anong masamang Espiritu ang sumapi sa iyo ngayon. Ayokong ma disgrasya ang beauty ko dahil magboboy hunting pa ako. Diyan ka na nga!” Nagmamadaling sabi niya at tuluyan na akong tinalikuran Natawa naman ako maging ang mga crew na nagliligpit ng mga gamit at nag-uusap. “Grabi nga daw eh! Nakita niyo ba si Mr. Gregory Sabè Yerger. Di lang pala siya sa Magazine gwapo. Mas gwapo din siya sa personal” Kinikilig na pahayag ng isang babaing crew “Oo. Nakita ko siyang dumaan kanina at tumingin banda dito. Di ko lang sure nakita ni Miss Zoey pero tumagal talaga sila ng mga limang minuto dito”Dagdag pa ng isa “Oo napansin din namin yun kanina di nga din alam kung bakit e 15 minutes break tayo kanina diba? “ Tila napapaisip naman na dugtong ng isang maliit na babae “Nakita ko yun. Nakatingin siya kanina kay Miss Zoey. Habang umiinom ng kape ang huli ay tinatanaw naman siya ni Mr. Yerger kanina. Magkakilala kaya sila? Ano sa tingin niyo?”Dugtong pa ng isang lalaking crew “Wala namang napapabalitang boyfriend si Miss. Zoey. At kung sakaling maging sila. Ay! Nakakakilig iyon" Kinikilig na pahayag ng isang babae sa tantiya ko’y pinakabata sa lahat “Oo nga! Napaka swerti nila sa isa’t isa pagkakataon” Sang-ayon din ng isa pa “ Kaya lang sabi nila napa istrukto raw ni Mr. Gregory at wala daw nakakatagal sa kanyang ugali” Maliit na boses na saad ng isang lalaki “Oo. Balibalita ding wala siyang sinasanto. At kabi-kabilang babae ang nauugnay sa kanya ngunit ito’y di niya kinumpirma “ “Aheeem. Mauna na po ako sa inyo. Maraming salamat po para sa araw na ito." Kuha ko sa atensyon nilang lahat “Maraming Salamat din po Miss Zoey. Ingat po kayo" “Bye Miss Zoey ingat po" Tumalikud na ako’t ambang lalakad na ng biglang... “Miss Zoey Pastelle Lindmark! Miss wait lang po Miss" Nahahapong pigil sa akin ng isang babae naka Corporate na damit Tumigil ito saking harapan hawak-hawak ang kanyang dibdib at halatang tumakbo para lamang mabutan ako. Nang masigurong normal na ang kanyang paghinga. Tumayo ito ng daretso at saka nakangiting humarap sa akin. “Hello Miss. Lindmark. I’m Cassey Estrada. Head Secretary and Personal Assistant of Mr. Gregory Sabè Yerger. Ma’am nice to meet you personally po “ Sabay abot sa akin ng mga bulaklak na hawak-hawak niya at lahad ng kamay. Napabaling naman ang mga crew na malapit sa amin dahil sa kanilang narinig. Sinong hindi? Kung ang kaninang pinag-uusapan niyo lang ay nagpadala ng sekretarya niya at may bulaklak na hawak pa. “Hi. Nice to meet you" Naiilang naman na Inabot ko ang bulaklak at nakipagkamay na din sa kanya. “Alam ko pong nagtataka kayo kung bakit andito ako sa inyong harapan. Wag po kayong mag-alala maging ako ay nagtataka din po" Naiiling na tawang pahayag niya na maging ang mga nakarinig ay natatawa din “Ipinadala po ako ng aking Boss upang sana’y kayo’y imbetahan sa kanyang opisina po Miss”. Kinakabahan ng pahayag niya “I’m sorry. Pero may prior appointment na kasi ako. Can we set it some other time?” Tipid kong sabi “Ah sige po how about tomorrow po?” Magalang na tanong niya “Can we do it. After tomorrow? Like Wednesday? I’ll give you my contact number just send me the details!” Saad ko habang inaabot sa kanya ang aking calling card. “ Sorry. I’m so late. I really need to go “ At mabilis akong tumalikud. Kulang na lang takbuhin ko ang aking distansya ng aking sasakyan. I’m so late. May Lunch kami ng aking Abuela ngayon. Naiinis na ipinarada ko ang aking sasakyan dahil sa naligaw ako ng dalawang beses! Haze isn’t reliable! At nanisi pa nga! Napailing na lamang ako sa aking sarili. Dire-diretsong pumasok ako sa isang pribadong kwarto kung saan kami maglulunch ni Abuela. Nakita ko siyang nakaupo patalikud sa akin kung kaya’y niyakap ko siya at hinagkan sa kanyang pisnge sabay sabing “Hello Abuela! Kamusta po kayo?” ngiting pagbati ko Narinig kong bumukas ang pinto sabay baling sa akin ni Abuela kaya bigla akong natigilan. “OMG! She isn’t my Abuela! Nagkamali ako nang kuwartong na pasukan!” kausap ko sa aking sarili sabay kagat sa aking mga labi “Apo! Hindi mo naman sinabi sa aking sasabay pala ang iyong Fiance sa ating maglunch. Sana ay dinamihan natin ang order” Masayang pahayag ng Ginang “Halika ka iha! Maupo ka marami akong itatanong sayo" Nakangiti paring sabi niya at ginagabayan ako pa upo “Ha? Ah? I’m —” Naputol ang dapat na sasabihin ko ng biglang magsalita ang lalaking sinasabing apo noong Ginang na napagkamalan kong si Abuela “Yes Gran. It’s a surprise. Go ahead and sit next to Gran babe. Wag kang mahiya “ Nakangiting pahayag niya. “Pero po nagkamali lang po ako ng—” Hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko ng nilapitan na ako noong lalaki at siya na mismo ang umusod ng aking upuan para maka upo ako Nang nakaupo na ay marahan niya akong binulungan “Just go with the flow for now. No need to explain. I’ll tell you everything later. I’m sorry" Saka siya umayos ng tayo at lumakad pabalik sa kanyang upuan. Awkward akong naupo sa tabi ng Ginang saka marahang ngumiti. “Ano’ng pangalan mo iha?” Tanong niya “Ah.. I’m Zoey Pastelle Lindmark po Ma’am” Nahihiyang tugon ko “Nice meeting you po" “Omg! You’re the Famous Model I am following. I am such a fan iha. Sorry hindi kita agad na mukhaan" Masayang pahayag niya “Thank you po" Magalang na sagot ko tamang-tama naman na pumasok ang mga Waiter at inilapag ang mga pagkain. Biglang tumunog ang aking cellphone. “Sorry po! I just need to answer this call" Nahihiyang paalam ko “It’s okay. Answer it here iha. We’re family here. No need to go outside “ Nangingiting saad ng Ginang kaya wala na akong nagawa at pikit matang sinagot ito “Hello Abuela” Nanantyang sagot ko “Iha I’m so sorry I can’t make it. May biglaang aya ang Auntie Melissa mo. Alam mo namang minsan lang mag-aya ang isang iyon kaya pinaunlad ko at nakalimutan kung tumawag sa iyo" Madamdaming saad ni Abuela “It’s okay Abuela. I understands po. Enjoy your Lunch with Aunt Melissa. And say my regards to her. Mag-ingat po kayo pauwi at tawagan niyo po ako pag nasa bahay na po kayo” Mahinanong sabi ko sa kanya “Oo. Apo. Thank you. Babawi si Abuela sa susunod" Masayang sagot niya “Walang anoman po Abuela. Bye po" Magalang na paalam ko pa Binaba ko ang aking cellphone at nag-angat ng tingen. Nagsalubong ang mga mata namin ng lalaking iyon. Ngayon ko lamang siya natitigan ng husto at nanlalaki ang aking mga mata ng makita ng lubusan ang kanyang mukha. Siya iyon. Siya si Mr. Gregory Sabè Yerger. Ang pinag-uusapan ng mga crews kanikanina lamang. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi animo’y may nakitang kakatwa. Inirapan ko na lamang siya. At tuluyan na nga siyang natawa. “What are you laughting iho? Care to share with us?” Nagtatakang tanong ng Ginang “Nothing Gran. Let’s just eat" Natatawang sagot niya sa Ginang at pinagtaasan lang siya ng kilay noong huli. Nakataas ang kilay ng Ginang ng bumaling sa akin Nanuyo ang aking lalamunan at napayuko at kagat labi sa kahihiyan. Nakakahiya ka talaga Zoey. Hindi na lamang ako kumibo at tamihik lamang na kumain. “Do you like any particular food iha? We can order it for you. Just say what you want. Seems like you don’t like the food that we order" Nag-aalalang tanong ng Ginang “No. Thank you Ma’am. I’m good na po" Nahihiyang sagot ko Napatingen naman ang Ginang sa lalaking nasa harapan “Order the food for your Fiance iho. I don’t want her to think that we starve her" Istriktong saad niya “And don’t call me Ma’am iha. Call me Grandma. Or Gran. That’s what they call me” “Okay po Gran” Kiming ani ko “I heard you’re talking to your Abuela over the phone iha. I’m sorry, I can’t help but to listen” Medyo nahihiyang puna niya “Yes. It’s okay po. Balak po kasi sana naming maglunch today. At nakalimutan niya po akong sabihan na di siya matutuloy. Kaya po napatawag siya. Pasensya na po" Nahihiyang saad ko “No. No worries. I was actually happy ti see na you love and care your Abuela too. Minsan ka na lang makakikita ng ganyang bata lalo na sa panahon ngayon” Madamdaming pahayag niya “Yes po. Malapit talaga kami sa isa’t isa dahil sa kanya ako tumutuloy noong nasa High School pa lang po ako. At ngayong may work na po at napupunta ako dito sa Pilipinas. Sila ang lagi kong inuuwian” Nakangiting sagot ko sa kanya “Napakabait mong bata. Napaka suwerte ng aking Apo na ikaw ang kanyang naging Fiance. Kung may kailangan kayong tulong para sa kasal wag kang mahihiyang lapitan ako” May kislap sa mga matang sabi niya Kinakabahang napatingin ako sa lalaking iyon na kanina pa pala nakatingin din sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras. “Ah kasi Gran—“ Naputol ang aking dapat sabihin ng biglang tumunog ang cellphone ng lalaking iyon. “Excuse me. I need to take this call" aniya at tumungo sa labas upang sagutin ang importanteng tawag Hindi naman ako mapakali sa aking upuan sa mga sandaling iyon mabuti na lang nakabalik agad ang damuhong iyon. “I’m sorry Gran. But I need to go. There’s important call from the Investors . We need to go now" Baling niya sa akin “ I’ll call Mang Ben to come inside Gran. We will wait for him before we leave” Dagdag pa niya “Oww. Let’s set another Lunch or Dinner iha. Hindi pa tayo masyadong nagkwekwentuhan. Let’s do it during the weekend para mahaba-haba ang oras natin" Nakangiting anyaya niya “No problem Gran. Just let us know” Nakangiti ring sagot ko at lumapit sa kanya para makapag-beso. Natanaw ko nang palapit ang kanilang tinatawag na Mang Ben kaya nama’y gumilid muna ako para bigyan sila sang espasyo. “Goodbye iha, Greg wag kang magbulakbol bata ka. Pag ikaw iniwanan ni Zoey itatakwil kita” Banta ng Ginang na ikinatawa lamang ng huli “SO I’m not your Favorite Apo anymore Gran? Wow. I’m kindof hurt you know” Madramang pahayag ng binata “ Narinig niyo po iyon Mang Ben? Hindi na ako paborito ni Lola nakita niya lang si Zoey itatakwil na niya ako" Pambubusko pa niya “Abay kung ganito ba naman kaganda’y maging ako di mangingiming itakwil ka Sir Greg. Wag mo nang pakawalan at iya'y siyang pag-aagawan" Pakikisali ng Driver nila Naghakhakan naman ang mag-lola “Oh siya sige na at kami’y aalis na. Mag ingat kayo mga anak" Paalam ng Ginang Tumango lamang kaming dalawa Naiwan akong nakatayo doon sa tabi niya. “What now" Tanong ko sa kanta “Let’s talk. Take a sit" Utos niya at nauna nang maupo sa kaharap na upuan “Why did you stop me earlier? I should have explain everything . I know it’s my fault. I should have check the Room before I enter and hug your Grandma. And I’m really sorry for that. I didn’t mean it. I really thought it was my Abuela sitting because they’re likely look similar in a way. Kaya na yakap ko siya. But I was trying to correct it . And you stop me everytime I tried. Why?” Frustrated na tanong ko sa kanya “I know it’s my fault. I’m sorry I just can’t break my Grans heart. I will explain everything to her. Or just tell her we broke up. Don’t worry I’ll take good care of it" Naiistress niya saad “Okay. I’m sorry for the trouble too. I hope we won’t see each other again" Pinal na pahayag ko at tumayo na upang makaalis sa lugar na iyon Tumalikod na ako at akmang aalis na nang may sinabi siyang ikinatigil ko “I think it’s impossible Miss Zoey. See you around. Have a nice day" Sabi niya at nauna nang umalis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD