Marahas siyang tinulak ni Kherwin at napasadsad siya sa lupa. Takot na takot siyang tumingin kay Kherwin na mabalasik ang mukha. "Anong ginagawa mo, ah Kherwin?!" hiyaw niya. "F*ck you, Hainna! Dahil simula pa lang binalewala mo na ang damdamin ko para sa'yo!" sigaw nito at marahas siyang hinawakan sa mukha. "Bitiwan mo ko!" "Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo at naging Mrs. Alvarez ka! Pinikot mo si Shawn, hindi ba?" mala-demonyong tanong nito. Natatakot na siya sa galit sa itsura ni Kherwin. Tila anumang oras ay sasaktan siya nito. Hindi siya sasantuhin nito, at wala siyang kalaban-laban. "Mas gusto mo pang ipagsiksikan 'yang sarili mo sa lalaking hindi ka mahal! Kesa sa akin na mahal na mahal ka!" asik nito sa kanya. "Tigilan mo na ito, Kherwin! Pwede kang makulong pag nalam

