Chapter-37

1066 Words

"Damn it!" mura ni Shawn nang mailapag ng P.I. ang lahat ng ebidensyang nakalap nito. Lahat ng iyon nagtuturo kay Kherwin bilang stalker ng asawa niya. Ayon sa P.I., maaaring obsessed si Kherwin sa asawa niya. Nanligaw daw si Kherwin kay Hainna noong kabataan pa nila, pero hindi ito sinagot. At nang ikasal sila ni Hainna at ipadala ito sa Canada, nag-hire pala si Kherwin ng tao para sundan si Hainna doon. Siya ang nag-uutos na sundan ang asawa saan man ito magpunta at kuhanan ng mga larawan. Yon ang mga larawan na ipinadala kay Shawn. "I can't believe na ilang beses nakasama ni Hainna ang sirang ulong yan!" galit na sabi ni Shawn. "Maaaring nang bumalik ang misis niyo, si Kherwin na mismo ang sumusunod sa asawa niyo at nagpapakuha ng mga larawan sa inuupahan niyang tao," sabi ng P.I.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD