"Bakit kailangan natin dito mag-usap?" tanong niya nang makapasok na sa loob ng silid ni Shawn. Luminga siya sa paligid. Very clean and neat ang buong silid, tila hindi lalake ang may-ari. "Bakit, natatakot ka?" tanong nito at sinulyapan siya. "Bakit naman ako matatakot? May dapat ba kong ikatakot?" balik tanong niya rito. "I see, mukhang totoo nga yata ang mga naririnig ko tungkol sa Dela Serna Princess ng San Miguel," nakangising sabi nito. "Ano bang mga naririnig mo?" taas-kilay na tanong niya, at lihim siyang nasisiyahan dahil nakakasama niya si Shawn sa isang silid at kitang-kita niya kung gaano ito kagwapo. "We can talk about it later," tanging sabi nito at humakbang palapit sa kanya. Hinintay niyang makalapit sa kanya si Shawn saka niya ito tiningala. Matangkad siya pero mas ma

