"Mama!" narinig niyang sabi ni Shawn. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin kay Shawn na lumingon sa may-ari ng tinig sa may pinto ng silid. Isang may edad na babae, pero maganda, ang nakadungaw sa may pintuan na tinawag na Mama ni Shawn. Pakiramdam niya sinabuyan ng malamig na tubig ang buong katawan niya, hindi siya makagalaw at tila tumigil din ang paghinga niya, mula sa ilalim ng hubad na katawan ni Shawn. "Mama, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Shawn. At mula sa pagkakaibabaw sa hubad niyang katawan ay tumayo si Shawn, at naiwan siyang nakahiga sa malaking kama. Ilang segundo ang lumipas bago niya naisipang takpan ang hubad na katawan sa puting kumot na naroon. "Shawn Alvarez! What the hell is this?!" hiyaw ng babae na tinawag na Mama ni Shawn na nasa may pintuan pa rin. Nakasuno

