"Shawn, Hainna," tawag ng Mama ni Shawn na nasa di kalayuan nila. Sabay pa silang napalingon ni Shawn sa Mama nito. Napansin niya ang mabigat na paghinga ni Shawn, tila may nangyayaring hindi niya alam. "Sumunod kayo sa akin sa library," utos ng Mama ni Shawn, sabay talikod at naglakad na papuntang library. Habang si Shawn naman ay hindi pa rin kumikilos at siya naman ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari. At hindi alam ang gagawin. Hindi rin siya makakilos, hinihintay ang pagkilos ni Shawn. "Let's go!" anyaya ni Shawn at hinila siya sa braso. Napangiwi siya dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya, at kanina pa masakit ang braso niya sa mahigpit na pagkakahawak ni Shawn. "Shawn, sandali," pigil niya. "Shut up!" he shouted at her. Napapitlag siya sa biglang pagsigaw ni Shaw

