"What?!" malakas na bulalas ni Shawn nang marinig ang sinabi niya. "Totoo ba ang sinasabi mo, hija?" tanong ng Mama ni Shawn na hindi pinansin si Shawn na napamura sa hangin. She wants Shawn so much, kaya gagawin niya lahat para mapasakanya si Shawn. At ito na ang nakikita niyang pagkakataon, sasayangin pa ba niya? Syempre hindi. "I'm sorry po, Ma'am," kunwari'y naiiyak na sabi niya. Kailangan niyang magdrama ng kaunti para effective. "How dare you?!" mabangis na sabi ni Shawn at akmang lalapit sa kanya nang naunahan siya ng Mama nito. Mabilis siyang niyakap ng Mama ni Shawn, nagkunwari naman siyang umiiyak para lalong madala ang Mama ni Shawn sa drama niya. Nasimulan na niya, kailangan na lang niyang panindigan at gawing kapani-paniwala ang lahat. "Damn it!" narinig niyang mura ni Sha

