Nahinto ang asawa sa ginagawa. Nag-angat ito ng ulo at sinulyapan siya habang habol ang hininga. Nakatitig sa napakagwapong asawa. Pagkatapos, nalipat ang atensyon ni Shawn sa mga katok sa pinto. Maya-maya pa narinig niyang bumukas ang pintuan. Nananatiling nasa ibabaw niya ang asawa at siya naman ay nakahiga sa sofa. Hindi niya nakikita ang pumasok sa loob. Kung bakit naman kasi hindi naka-lock ang pintuan at kung anu-ano na ang ginagawa nila ng asawa. "Shawn, ipag-re-reserve ba kita sa restaurant for your lunch?" tanong ng tinig. Nakakasiguro siyang si Patricia ang nasa may pintuan. Nagtaas siya ng kilay habang nananatili sa awkward na posisyon. Hindi naman siya nakikita ni Patricia. Tanging si Shawn lang naman ang nakikita nito sa sofa, kaya marahil hindi alam ni Patricia na nakahiga

