Magdamag siyang gising dahil sa nangyari sa kanila ng asawa. Hindi na muling bumalik ang asawa sa silid. Marahil sa ibang silid na ito natulog, gaya ng lagi nitong ginagawa. Naiinis na siya at nais na niyang ayusin ang lahat sa kanila ng asawa. Nais niyang klaruhin na ang lahat sa asawa. Pero saan siya magsisimula? Paano siya magsisimula? tanong niya sa sarili. Ang dami nilang dapat ayusin ng asawa, lalo na ang tungkol sa mga maling akusasyon ng asawa sa kanya. Nais niyang linisin ang pangalan niya—na wala siyang masamang ginagawa, hindi niya ito pinagtaksilan. "Hainna, everything will be okay," kumbinsi niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. Kinabukasan, pag-gising niya, wala na ang asawa. Late siyang nagising kaya hindi niya naipaghanda ng almusal ang asawa. Halos wala kasi siyan

