Kinagabihan, hinintay niya ang pagdating ng asawa. Nais niyang itong makausap. Pag-uusapan na nila ang tungkol sa mga larawang natatanggap ng asawa. Lilinawin na niya ang lahat. At kung sino man ang nagpapadala ng mga larawan niya kay Shawn ay may masamang motibo ito. Marahil nais sirain ang pagsasama nila ng asawa, at hindi niya hahayaang mangyari iyon. Hindi niya hahayaan na may sumira sa kanya sa asawa. Ang dami pa niyang dapat ayusin sa pagsasama nila ni Shawn. Aalamin niya kung sino ang nagpapadala at anong motibo nito. Sana nga lang umuwi ang asawa ngayong gabi. Wala ni isang text o tawag man siyang natanggap mula sa asawa. Mula sa sala, nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Dali-dali siyang lumapit sa pinto para salubungin si Shawn. Pagbukas niya ng pintuan, nakita niyang dalawang

