Back to work self...
Mula sa dalawang linggong bakasyon sa aming nayon narito na naman ulit ako sa syudad para magpakitang gilas sa paghulma ng mga monay.
“Tol, maraming nangungulilang customer sayo. Hinahanap nila ang mala-gayuma mong monay,”natatawang sabi ni toto.
Wala akong monay tol, hotdog roll lang ang meron ako. Bakit ba nila ako hinahanapan ng monay?
“Sabi ko nga si Lourdes lang ang may masarap na monay dito sa bakery natin, ayaw maniwala.”biro pa ni toto kaya nagtawanan nalang kami.
Ang kulit din ng kasamahan kung ito. Mas okay nga eh nakakawala ng problema.
“Tol, sa harapan natin may bagong bukas na bilyaran. Naku kung marunong lang sana akong mag-bilyar tiyak dyan na ako tatambay para aliwin ang aking sarili.”sabi pa ni toto.
Magandang balita ang kanyang hatid sa akin. Isang bilyaran at nasa harapan pa mismo ng aming bakery shop. Tol, kung gusto mong maaliw eh di manuod ka nalang. Wala namang masama kung papanuurin mo sila na naglalaro.
“Tol, alam mo bang si Junjun bumibili ng kapirasong karne sa people's hotel.”kwento pa niya. Kalalaking tao ang daming kwento na naipon sa dalawang linggo kung pagkawala. At itong kapirasong karne na kanyang sinasabi na curious naman ako. Tol, ano ba ang ibig sabihin ng kapirasong karne na yan huh?
“Hahaha ikaw talaga tol, feeling virgin ka talaga. Minor de edad alam na nila ang kapirasong karne tapos ikaw nagpapaka-inosente dyan. Huwag ako tol, dahil hindi ako maniniwala sa tikal mong ginahambal haw.”sabi pa niya.
Anong magagawa ko eh sa hindi ko nga naman talaga alam tol eh. At kailan ka nga ba naging maretes huh, bakit ang dami mong nasagap na mga balita? Naku tol, isara mo ang pintuan ng iyong tainga para hindi ka masangkot sa mga kaguluhan.
“Alam mo tol, ang galing mong maghulma at magtimpla ng monay tapos hindi mo alam ang kapirasong karne.”pambubuska pa niya sa akin.
Ang monay na niluluto natin hindi naman natin yan pinalamanan ng karne ah.
“Hahaha ako mababaliw sa mga katuweran mo Nonoy Buenvenida. Ang kapirasong karne ay kiffy o monay. Siguro ang alam mo lang ay mani o petchay. Oh sige para maiintindihan mo ganito nalang Si Junjun bumibili ng petchay at dinadala sa hotel.”paliwanag pa niya. Naiiling nalang ako sa kanyang sinabi. Nagtatrabaho ng maayos pero ang tainga nakalaan naman pala sa mga trending na mga balita. Gawin mo na trabaho mo dyan tol, dahil baka purnada na naman ang order natin.
May bayad ba kapag naglalaro ng billiard dyan sa tapat natin?
“Bakit marunong ka pa mag-billiard tol?”tanong niya sa akin.
Marunong naman pero sakto lang.
“Maliit lang naman siguro ang renta kapag gusto mong naglaro.”sagot nya.
Sige subokan nating pumasok doon kapag wala na tayong trabaho.
oooOooo
Natapos na namin ang aming mga orders na tinapay at ang mga extra pa para sa bakery. Kaya heto kami ni Franco ngayon sa bilyaran para subokan na maglaro. Napakaganda ng pwesto at maaliwalas kaya sigurado na dadayuhin ito ng maraming manlalaro. Magandang libangan ito para sa akin. Kapag tapos na ang aming trabaho at walang magagawa tiyak na may mapaglibangan na kami.
"Tol, kung marunong ka maglaro ng bilyar turuan mo naman ako.”pakiusap ni Franco.
Oo ba walang problema tol.
“Noy, walang kasama ang magdi-deliver dahil may lagnat si Marlon. Pwedi mo ba siyang samahan sa kabilang bayan? Alanganin nalang oras baka kasi gabihin”sabi ni nanay Rosa.
Sige po nay walang problema. Tol, tara samahan natin si Bossing sa byahe niya. Saka nalang tayo maglalaro kapag wala na tayong gagawin.
“Sige tol, para makapasyal na rin tayo sa ibang lugar. Mabuti pa si Marlon naiikot na niya ang syudad pati ang mga bayan dito sa ilo-ilo.”masayang Sabi ni Franco.
Isa sa napakagandang katangian ni nanay Rosa. Ay napakabuti niya sa kanyang mga trabahante. Palagi niyang inuuna ang kapakanan at kaligtasan namin sa bawat trabaho na gagawin. Maging sa paghatid nito sa kung saan man may delivery. May natitira pa talagang may busilak na mga puso. Kahit sa kanilang tinatamasang karangyaan nakaapak parin sa baba ang kanilang mga paa. Walang pagmamataas at walang halong kaplastikan sa kanilang mga kasambahay o trabahador.
“Tol, virgin ka pa ba?”biglang tanong ni Franco.
Walanghiya ka talaga tol, kung anu-ano nalang ang mga katanungan na pumapasok dyan sa iyong ulo. Wala ka bang ibang mahanap na topic at puro kalokohan ang gumugulo sa iyong utak?
“Ito naman, tinatanong lang eh. Minsan man lang ba di mo nasubukan na magmaryang palad? Huwag kang sinungaling tol dahil nasa stage kana na tinatayuan ka na kapag may nakikitang magandang dilag.”sabi pa niya.
Oo na tara na saka na tayo maghahanap ng kapirasong karne. Magtrabaho muna tayo bago natin pag-isipan saan pweding tumikim ng kapirasong karne na yan.
“Hahaha, atat naman palang tumikim nag-iinarte pa. Huwag ako Buenvenida dahil alam kong natutukso kana sa ating mga tindera na pasimpling nagpapakita ng motibo sayo. Ano ba ang meron sayo tol at nakukuha mo kaagad ang attention nila.”tanong ulit ni Franco.
Bossing alis na tayo ang daldal nitong makakasama natin tiyak walang sasabay na masamang ispiritu sa byahe.
Kung ganito ba naman kadaldal ang makakasama mo sa byahe. Ewan ko lang kung dadapuan ka ba ng antok o sasabayan kayo ng masamang nilalang. Sa kaingayan palang nito tiyak na hindi nila kakayanin na pakinggan. Pero sobrang mabait ang kaibigan kong ito magaling nakikihalobilo sa mga tao. Kung magiging sealer Ito tiyak na patok sa masa ang kanyang paninda.
“Oh ano na ang iniisip mo dyan? Lalim na ng sinisid ng utak mo ah.”ayaw talagang tumigil....
oooOooo
Alas onse na ng gabi na ng binaybay namin ang daan. Nakakatakot lalo na ng mapadaan kami sa liblib na lugar. Puro mga puno at walang kabahayan. May mga ganito parin palang lugar sa labas ng syudad. Tahimik lang, walang ingay at madalang lang ang kabahayan. Bossing, every week ba kayong magdi-deliver sa lugar na ito? Hindi ba kayo natatakot ni Marlon sa bawat byahe ninyo? Baka kasi may biglang humarang na mga hijackers. Di ba dilikado kayo kapag may ganun.
Nasanay na kami ni Marlon sa ganitong byahe. Sa awa ng diyos di naman kami inambahan ng mga armado. Pero may kinatatakotan kami na lugar. Yon talaga ang pinaka nagpapakaba sa amin ni Marlon sa tuwing dadaanan namin ang lugar na yon sa gabi. May nakakakilabot pa yon kaysa mga armadong nakaabang.
“Bossing, anong klase na mga nilalang ba yon at talagang kinatatakotan ninyo? Huwag ninyong sabihin na nagpapaniwala kayo sa mga aswang, white lady, engcanto o maligno. Asus bossing nasa makabagong henerasyon na tayo. Hindi na uso ang mga ganyan, nasa mundo na tayo ng Ai World. Kapag gamit na natin ng android phones di na natin napapansin ang mga activities ng mga multo, aswang at kung anu-ano pa man yan. Basta ako hindi talaga ako takot sa mga ganyan. Kung hindi ako makakapag-asawa ng tao wala na talaga akong pag-asa sa mundo. Kung noon kapag wala silang maaasawang tao, multo o white lady nalang ang mga inaasawa nila hahaha.”baliw na sabi ni Franco.
Tumigil ka nga dyan tol, hindi ka ba kinikilabutan sa iyong mga pinagsasabi. Paano kapag narinig nila o ibinulong ng hangin sa kanila iyang lahat ng mga pinagsasabi mo?
“Tapos haharangan nila tayo o tatakotin tayo at ipapakita na nariyan lang sila. Kalokohan tol, isa kapang mapaniwalain sa mga sabi-sabi.”dugtong niya sa aking sinabi.
Ang tapang talaga ng taong ito, nakahanda pa yatang matulog kasama ang mga pangkaraniwan na nilalang na gumagala dito sa mundo.
“Alam nyo tol, bossing, palibsa malapit na ang undas kaya kayo nag-iisip ng mga nakakatakot. Actually kayo lang ang gumagawa ng ikinatakot sa inyong sarili. Wala na yan ngayon kaya huwag nito nang isipin. Nag migrate na sila sa ibang mundo na hindi nabubulabog ng mga tao.”sabi ni Franco.
“Malapit na tayo sa malaking kahoy na baliti. Humanda kana Franco, idilat mo ang iyong mga mata para makita mo ng maigi ang mga nais mong makita. Titingnan ko kung hanggang saan ang katapangan mo.”sabi ni boss Jaime.
Boss huwag kang magbibiro ng ganyan. Ako pa naman ay talagang naniniwala na may ibang nilalang na namumuhay sa mundong ibabaw. Hindi magandang biro ang ganitong paksa habang bumabyahe sa gabi. Kahit pa sabihin na lulong na tayo sa makabagong mga teknolohiya. Hindi naman namamatay ang mga engcanto o multo. Sadyang madalang nalang silang nagparamdam dahil dumadami na rin ang mga tao at marami ng mga ilaw sa kaldasa o kabahayan. Isama mo pa ang buong magdamag nag-iingay ang mga tao dahil sa kasiyahan o karaoke. Narinig ko pa nga dati Sa kwento ng aking mga Lolo na kapag sumapit na ng alas sais ipinagbabawal na sa mga bata ang lumabas dahil umaga na sa mundo ng mga ibang nilalang. Minsan nga daw may nawawalang bata at ang ginawa nila ay nag-iingay sila. Pinupukpok o kinakalampag ang mga lata ng biscuit at mga kaserola para ibalik ang nawawalang bata.
“Boss, ano yon????”malakas na sigaw ni Franco.....