Sumigaw si Franco dahil may nakita nga daw talaga siya sa gitna ng kalsada. Wala pa naman akong nakikita pero kinilabotan na ako.
"Magdasal ka ng taimtim at huwag pairalin ang takot sa iyong sarili Franco. Ang mga masasamang nilalang ay magwawagi kapag ikaw ay nagpadala sa takot. Alam nila kung sino ang tunay na nakakakita sa kanila o ang hindi nakakakita. Nakita ko rin ang na mga nakita mo at walang problema sa akin dahil nasanay na ako. Magandang gabi kaibigan makikiraan lang po kami. Katulad ng dati naaabutan na naman kami ng gabi sa pagdaan namin dito sa lugar ninyo. Pagpasyensyahan po ninyo itong bago kong kasama. Huwag nyo na po sanang takotin dahil baka matrauma. Salamat kaibigan kami po ay aalis na."sabi ni bossing.
Medyo nakalayo na kami sa malaking puno. Nang lingunin ko si Franco ay pinagpapawisan ito ng husto. Nanlalamig na nga ang mga kamay at nanginginig pa. Tol, inom ka ng tubig at kumalma ka. Ang tigas kasi ng ulo mo. Inabesuhan kana nga ng huwag magmayabang. Dumilat kana nga dyan para kang tanga na nakapikit. Pasalamat ka at wala akong cellphone. Kung nakuhanan lang sana kita ng video tiyak viral kana bukas.
“Noy, wala kang nakita di ba?”tanong ni boss Jaime.
Wala boss eh, narararamdaman ko lang ang nakakakilabot na hangin pero wala naman akong nakita. Mabuti na rin yung hindi ko sila nakita boss kaysa matulad ako ni Franco. Baka hindi ko mapigilan ang takot at mapapaihi pa ako sa aking salawal.
“Hindi na talaga ulit ako sasama sa ganitong byahe. Mananatiling bangungot ang pangyayaring iyon.”sabi ni Franco.
oooOooo
Ilang araw na ang lumipas ng mangyari ang nakakakilabot na mga pangyayari na yon. Isang nakakatakot na experience namin ni Franco.
Nandito kami ni Franco sa bilyaran. Talagang napaka ganda ng lugar ay nakakainganyong maglaro. Nakikita namin ang mga professional na manlalaro. Sa kaloob-looban ko ang parang nabubuhay ang aking pangarap na maging magaling na belyarista. Hindi man sa buong mundo ngunit ninais kung makalaro ang mga magagaling na manlalaro dito sa Pilipinas.
Sabi nga nila libre ang mangarap kaya libre kong pinapangarap ang makapaglaro.
“Hoy kanina pa kita kinakausap, saan ba lumilipad ang utak mo tol?”tanong ni Franco.
Ah lumipad ba? Hindi ko namalayan eh. Baka may sinundan lang na magandang babae tol.
“Hahaha tumira kana, ewan ko lang kung marunong ka ba sa ganitong laro.”pangungutya pa ng aking kaibigan.
To see is to believe tol. Tingnan mo lang kung paano maglaro ang isang Julz Buenvinida.
“Naku po mukhang tatangayin kami ng hanging Nonoy,”sabi pa niya.
Kaya agad kung pinnuterya ang mga bola at walang ibang kulay akong tinira maliban sa kulay puti. Nakita kong natulala ang aking kaibigan. Talagang hindi niya inaasahan ang kanyang nakita.
“Bata anong pangalan mo?”tanong ng lalaking may kaedaran na.
Napansin siguro nito ang aking paglaro.
Julz Buenvinida po sir, Nonoy po ang aking palayaw.
“Nakita kong magaling kang maglaro. Gusto mo ba na mag one on one tayong dalawa. Kung mananalo ka sa akin isasama kita sa aking team.”sabi ng lalaki.
Nagkatinginan kami ni Franco dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi nito.
“Ako nga pala si Lucas Ledesma ang nagmamay-ari sa bilyaran na ito. Sinadya ko itong pinamunuan para makakuha ng mga magagaling na manlalaro para makalaban ang mga taga-ibang barangay. Kung papalarin ay baka magkaroon ng tsansa na makapaglaro na national game. Ang gustong sumali sa aking team ay kailangan na magbabayad ng 10,000 pesos.”sabi pa niya.
Pasyensya na po sir, hindi po dapat ang sahod ko sa bakery para bayaran ang admission pay sa inyong grupo. Konting kasiyahan lang po sapat na sa akin. May trabaho po ako kaya hindi ko mapagtuunan ng oras ang pag-iinsayo sa laro.
“Patapusin mo muna ako Nonoy, pinipili ko ang taong inimbitahan na makalaban. Humanga ako sa iyong mataktikang tirada ng bawat bola.”sabi ni Mr. Ledesma.
“Tol, grab mo na yan malay mo iyan na ang umpisa para mapasaya ang swerti. Sabi nga nila ang oportunidad ay dumarating sa hindi inaasahan na pagkakataon,"sabi ni Franco.
May punto nga naman siya kahit narinig lang niya yon sa ibang tao.
Sige sir, susubukan ko po ang aking swerti kung papasa nga po ba sa standard ninyo. Pero hindi ko po maipapangako na maipanalo ko dahil veterans na po kayo sa larong ito.
“Good job Noy, gawin mo ang pinaka-best mo para manalo. Gagawin ko rin ang best ko para hindi mo talunin.”sabi ni sir Lucas.
Inumpisahan na nga namin ang laban. At talagang mas kinakabahan ako dahil nagkumpulan na ang mga tao. Una ko itong pagkakataon na napasabak sa ganitong laro. Sa bayan namin simpling katuwaan lang naman ang ginagawa namin ng mga kaibigan ko.
“Tol, kaya mo ba? Pinagpapawisan ka eh. Mag-fucos ka lang sa mga bola Tol. Huwag mong isipin ang mga tao sa iyong paligid. Kalmahan mo lang baka pamaihi ka pa diyan sa salawal mo eh. Tol, mas maganda yata kung excuse ka mula . Umihi at uminom ka muna ng tubig para gumaan ang pakiramdam mo.”pang-aasar pa ni Franco.
Gusto mo bang latiguhin kita nitong taco? Mas lalo mo akong nililigaw sa focus eh. Tumahimik ka nga diyan, manuod ka nalang at huwag mo akong guluhin.
Nauna nang tumira si sir Lucas. Nakikita ko ang hussy niya sa bawat bitaw ng cue stick. Pinag-aralan ko ang kanyang mga galaw. Kailangan kong tumuon sa pagbuo ng matibay na pundasyon ng mga kasanayan tulad ng tamang tindig, mahigpit na pagkakahawak, mga diskarte sa pagpuntirya, at isang makinis na paghampas. Planuhin nang mabuti ang mga kuha, madiskarteng iposisyon ang cue ball para sa mga shot sa hinaharap, at panatilihin ang focus sa buong laro, lalo na sa mahihirap na shot.
Isipin ang landas ng cue ball at kung saan mo gustong matamaan ang object ball.
Kailangan gumamit ng mga diskarte sa pagpuntirya upang tumpak na matukoy ang bulsa at ang cue ball contact point. Isaalang-alang kung saan mo gustong mapunta ang cue ball pagkatapos ng bawat shot. Got it! Napag-aralan ko na ang mga galaw ni sir Lucas.
“Noy, it's your turn,”sabi niya.
Sige po sir, salamat.
Tiningnan ko muna ng maigi ang bawat posisyon ng bola. Ramdam Kong umayon naman sa akin ang tadhana. Ang mga cue balls ay nasa malinaw na posisyon. Kaya naman agad akong pumwesto sa unang target. Unang target nakapasok kaagad sa table pocket. Sinundan ko ng pangalawang puntirya. Kasunod ang pangatlo, uminit ang billiard room dahil mas sumikip ang kumpolan ng mga tao.
“Boss, puro chamba lang ang mga tira niyan.”sigaw ng isang lalaki.
“Shhhh huwag kang maingay dahil marami pang bola,”natatawang sabi ni sir Lucas.
“Tama sir marami pang bola kaya ituloy ko na,”anas ng aking isip. Uminit ang aking tainga ng marinig ko ang salitang chamba lang.
Agad ulit akong pumwesto sa aking pangatlong target. Nakuha na ni sir Lucas ang dalawang bola kaya kailangan kong makuha ang labintatlong bola kung chumamba nga lang naman.
Pumasok ang ikatlo, ikaapat, ikalima, Ikaanim, ikapito, ikawalo, ikasiyam, ikasampung bola.
“Yes, yes, yes! Ang galing mo Tol, tatlo nalang ang natira i-shoot mo na yan. Ang galing mo talagang mang-chamba tol nakakakilabot,”sigaw ni Franco. Nakakahiya talaga ang taong ito, kinabahan ako dahil baka pag-initan pa siya sa kanyang ginawa.
Tumahimik ka Tol, nakakahiya sa kanila. Manuod ka lang nang maayos at huwag mag-ingay diyan.
“Pasyensya kana tol, sobrang natuwa lang ako sa laro mo,”sabi naman niya.
Kaya nag-focus na ulit ako sa aking paglalaro. Kailangan kong ipasok ang tatlong bola para hindi naman ako mapahiya kay sir Lucas.
Pumasok na ang dalawang bola ng sabay sa billiard pocket. Pumabor nga ang tadhana, dumikit ang swerti sa aking katawan. Isang bola nalang ang kailangan kong ipasok sa pocket. Panginoon ibigay mo na sa akin ito please. Nang itulak ko ang taco papunta sa cue ball sapul ito sa huling bola. Yes, nanalo ako laban kay sir Lucas.
“Tol, ang swerti mo talaga sa araw na ito. Ang galing mo naman pala sa larong ito.”excited na sabi ni Franco.
Huwag ka ngang maingay, dumikit lang yong nakatagpo nating multo doon sa---
“Okay na ako Tol, huwag mo nang ipaalala.”putol ni Franco sa aking nais sabihin.
“Noy, magaling ka nga sa larong ito. Ngayon na napatunayan mo na sa sarili mo na kaya mo pala akong talunin. Simula bukas makakasama kana sa team namin. Patuloy kang magtatrabaho dyan sa bakery. Pero sa libre mong oras dito ka mag-iinsayo. Welcome to the team Noy. Ipinakilala kaagad ako ni sir Lucas sa mga kaibigan at mga manlalaro niya. Natuwa naman ako sa oportunidad na aking natamo sa araw na ito. Ito na nga ba ang panibagong simula sa pagbabago ng aking buhay? Ito na nga ba ang daan para mai-ahon ko sa kahirapan ang aking mga kapatid at mga magulang? Kung ito man ang aking daan patungo sa aking tagumpay. Sana panginoon gabayan mo ako sa bawat hamon ng aking buhay sa aking paglalakbay.