Hindi nakatulog si Marco nang gabing iyon. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch. Alas dos na ng madaling araw. Lumabas siya at pinaandar ang motor. Bumalik siya sa dating tinatambayan tuwing wasak ang kanyang puso. Everything feels sadder. No one's going to comfort him this time. Wala na si Apple. Wala na siyang mapaghihingahan. Nagkataong linggo at big night sa naturang bar. Lahat ng dancer na naroroon ay pili- pinakamagaganda at pinakamaalindog. Wala pang kalahating oras ay nakatatlong bote na siya ng beer. Bahagya nang umiikot ang kanyang paningin. Ngunit ang alak ay parang tubig lamang sa kanyang pakiramdam. Nais niyang malunod. Nais niyang makalimot. Nakita niya ang pagsampa sa stage ng isang babaeng nakasuot ng manipis na damit. Wala iyong panloob. Sumayaw iyon sa saliw ng mahar

