"SUMAGOT na ba?" nag-aalalang tanong ni Aling Marcia sa anak na si Marian. Mula pa kahapon ay hindi nila nakokontak si Marco. Ang sabi rin sa trabaho nito ay umuwi naman ito. Pinuntahan nila ito sa apartment nito ngunit wala rin ito ro'n. Alalang alala na sila. Baka kung ano na ang nangyari kay Marco. "'Nay, mag-report na kaya tayo sa police?" wika ni Marian. Sandaling natulala si Aling Marcia. Sa kabila ng pag-aalala ay gusto niya sanang manatiling positibo ngunit hindi niya magawa. Kung ano ano na kasi ang pumapasok sa kanyang isip. "Sige, sige!" wika niya sa anak. Ipinakuha niya ang shoulder bag kay Marian. Aalis na sana sila ngunit pagbukas nila ng pinto ay bumungad si Marco. Nagmamadali itong pumasok at ibinagsak ang katawan sa sofa. Nagkatiniginan naman si Marian at Aling Marcia

