Napansin ni Mang Gilbert ang pagiging matamlay ng anak na si Marco. Magmula nang matanggal ito sa trabaho ay lagi niya itong nahuhuling tulala at malalim ang iniisip. Ngayon nga at naabutan niya na naman itong nag-iisa sa terasa. Kanya itong nilapitan. "Gusto mo ng one-on-one, anak?" tanong nito sa binata. Napalingon si Marco at ngumiti. "'Tay," anito. Tinapik ni Mang Gilbert ang kanyang balikat. "Ano? Bibili ako ng isang case ng beer. Sabihin mo lang," pabirong wika ni Mang Gilbert. "May pambili kayo, Tay?" Natawa si Mang Gilbert. "Minamaliit mo yata ang tatay mo," nakangiting wika nito. "Medyo kumita ang pwesto sa palengke ni Bosing ngayon, eh. Kaya binigyan niya ako ng ekstra," anito. Nagtatrabaho ito bilang helper sa palengke, tagalinis ng isda at tendero na rin. Komporme ang sah

