K16 - Official Goodbye

1585 Words

"Bakit hindi mo muna papasukin si Sir David?" wika ni Aling Dolor kay Aries. "Pero 'Nay—" "Sir David, halika. Pasok muna kayo sa aming simpleng tahanan," wika ng ginang kay David. Hindi naman nagparaming sabi pa si David at pumasok na ito. Walang nagawa si Aries. Inalok ni Aling Dolor si David na maupo sa salas. "Dito na lang ho kayo maghapunan, Sir. Tamang tama at nagluto ako ng aking speciality," alok niya rito. Ngumiti si David. "Naku, hindi ako tatanggi," anito. Tumuloy na ito at naupo sa sofa. Iginala niya ang mga mata sa naaabot ng kanyang paningin. "Ikaw muna ang bahala kay Sir David, anak," bilin ng ginang kay Aries. Imbes na gawin ang bilin ng ina ay naiinis na sumunod si Aries sa kusina. "'Nay, bakit naman ninyo inimbitahan pang pumasok sa bahay natin si David? Nakakahiy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD