"Nic, please, let's talk."
I could trace his disappointment. Dad's always mad. Ano pa ba ang aasahan ko?
Binaba ko ang aking bag at umupo sa kaniyang tapat. Kinapa ko ang hita kong nanginginig. Kusa na yata akong natatakot kahit madalas naman itong nangyayari.
Oo, alam ko na ang sasabihin niya.
You should strive harder.
You should end up as the batch valedictorian.
You should make our relatives proud.
You should overcome Simon.
You should discover his weakness.
You should—
"You should focus more on Chemistry! Hindi ka na nahiya, chemist ang mommy mo! Ano na lang ang sasabihin ng lolo't lola mo kung ang dahilan ng pagbasak mo ay General Chemistry? Ano bang pinagagagawa mo sa buhay mo ngayon at bakit yata humihina na 'yang ulo mo?"
His words felt like a group of bullets invading my flesh all at once. Dapat nasanay na ako sa mga ganitong mga linya. Pero bakit ang sakit pa rin? Ginagawa ko na ang lahat. I've been using Simon, I've been abusing even my own health. Madalas akong ma-admit sa hospital noon dahil sa immune system kong humihina. I'm sleep-deprived. Lagi na lang grades, lagi na lang sila.
Kaya nga naghahanap na ako ng pwede kong i-reward sa sarili ko. Kaya naghanap ako ng pwede kong mapaglibangan. Kaya ako napunta sa tinder. Mabawi man lang ang hirap, pagtitiis, at sakripisyo na ginagawa ko para sa kanilang lahat.
Pero hindi pa pala iyon sapat.
"Kung hindi mo kaya, then use Simon," he said. Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Gamitin mo ang utak mo Nic, 'wag ang puso. Dahil baka ang hindi mo alam, hinahatak ka pala niya pababa."
Lihim akong natawa sa aking isipan. Wala silang alam na ako ang gumagamit kay Simon. Kailan ba nila matatanggap na hinding hindi ko matatalo ang katalinuhan ng lalaking iyon?
Tahimik akong pumasok sa kwarto at binuhos ang pinigil na luha. Ang sakit isipin. Pakiramdam ko ay pasan ko ang mundo.
Ituturing pa rin kaya akong anak ng mga magulang ko kung hindi ko nagawang malampasan si Simon?
"Let's meet," wika ko sa cellphone matapos mag-bihis.
Dalawang lalaki. Isang genius, isang guro. Kung kapwa ko sila gagamitin para sa kagustuhan at pagnanais kong umangat, bakit hindi ko na lubos lubusin? Ayokong mapunta sa lahat ang pinaghirapan ko. Ayokong kamuhian ako ng pamilya ko. Ayokong malugmok at magmukhang talunan. Ayoko.
Tinanggal ko ang suot na shades nang marating na ang aming tagpuan. Hindi na kami sa milktea network nagkita dahil delikado. Kaya dito kami sa Japanese resto na may kalayuan sa lugar namin. Malayo sa mga taong kilala kami at makatutuklas sa amin.
Sir Kiel darted his blank eyes. Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon dahil nakalilito ang kanyang titig.
I crossed my legs and pursed my lips after we dropped our order. Nagtitigan kami sa loob ng mahabang segundo at para bang naghihintay kung sino ang mauunang magsalita.
Punong puno na ako sa ganti mo sa akin Sir Kiel. I'm aware of our weaknesses and we both need each other. So why won't I use your weakness? Afterall, it could be my strength.
Kung si Simon nga ginamit ko, bakit hindi ikaw na teacher ko pa?
"I'm in," I broke the silence. I saw how his eyes drew traces of lust and excitement. Nakalililo. Nakadadarang. I found him too hot for me. Na kahit mali ang lahat ng ito ay wala akong magawa dahil sa responsibilidad na inatang sa akin ng pamilya ko— ng angkan ko.
"But in one condition," I followed up. Ngunit sa nakikita ko, tulad ko ay gagawin niya ang lahat, mapasakamay lang ang matagal niyang ninanais.
"Anything," he replied.
Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko.
Saya dahil malaki ang posibilidad kong manalo sa sugal na ito, ngunit kaba dahil sa takot na madiskubre ito. Gayunpaman, hindi rin naman magtatagal ang relasyon ko kay Simon. Sa oras na maging batch valedictorian ako, titigilan ko na ang lahat ng ito. Palalayain ko na ang mga kaluluwang ikinulong ko. Lilinisin ko ang buhay na dinumihan ko.
Ngayon lang ito, Nic.
Years after, alam kong matatapos rin ito.
Kailangan ko lang munang panindigan ito. Kahit hindi para sa akin. Kahit para kila Mommy.
***
"Without looking at your periodic tables, recite the electronic configuration of Francium."
A small smile formed in my lips when Sir Kiel threw the question. Walang ibang nagtaas ng kamay maliban sa amin ni Simon.
Simon is seating in the front row samantalang ako ay nasa kabilang side, third row. Halos sabay kaming nagtaas ngunit ako ang tinawag ni Sir.
I stood and cited my answer. Sir Kiel agreed dahil tama naman.
Sa araw na ito, marami siyang mga tanong na halos ako ang nakasagot. Ikinagulat pa ng iba iyon dahil para bang hindi alam ni Simon ang iba.
Well.
"Some questions were supposedly taken from higher chemistry. I was amazed of your intelligence, Hon. Talagang bumabawi. Keep it up!" Simon said when the class dismissed. Abot langit ang ngiti ko. Ang sarap sa feeling.
Sabay kaming nag-lunch ngunit nang sumapit ang uwian ay kinailangan na niyang bumalik sa review sessions. So far, okay naman 'yong performance ko sa ibang subject, sadyang mahina lang ako sa chem at iyon ang kailangan kong i-step up. Knowing na may connections ang tatay ko sa adviser ko at madalas itong nagtatanong, doble kayod dapat ako sa pag-aaral na ito.
I'm aware that Sir Kiel is using his advantage. Kaya wala rin talaga akong magawa kundi ang mapakagat. We went to his condo last night, doon ay hinayaan ko siyang halikan ako— not intercourse. Saka na iyon. Ang mahalaga ay binigyan niya ako ng softcopy ng mga quizzes, exams, questionnaires, at lahat ng mga tanong na gagamitin para sa graded recitation.
Pumunta ako sa faculty nang maghiwalay na ang landas namin ni Simon. Sa dulong parte naka-pwesto si Sir Kiel, malayo sa mga teachers na nandito pa dahil umuwi na yata 'yoong mga malapit sa kanya.
Pasimple ngunit prominente ang ngisi sa kanyang labi. I rolled my eyes. Ingat-ingat rin 'pag may time dahil baka may manghinala.
Tulad ng napag-usapan kagabi ay inabot niya sa akin ang susi ng condo. Without any word, tumalikod ako at dere-deretso sa labas upang pumara ng masasakyan.
Nang marating ang condo unit ay namangha ako sa linis nito. Napuna ko kasi ang kalat at dumi nito kagabi. Kahit kasi lalaki siya, understatement 'yong pagiging teacher para masabing pabaya siya sa mga kailangan ayusin dito. May pagka-OC pa naman ako.
Habang naghihintay ay sinagutan ko na ang mga assignments. Inayos ko na rin ang mga kailangan ayusin para bukas. Feel at home lang daw ako kaya tinungo ko ang kusina at nagprito ng bacon dahil ito lang halos ang laman ng freezer niya.
I'll also try to fry an omelette. Nang maluto na ang bacon ay naghiwa naman ako ng sibuyas.
Just as I chopped the onions, naramdaman ko ang mainit na braso na yumakap sa aking bewang. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang init ng kaniyang hininga sa aking batok. Naughty teacher. I know he's horny.
"Is that for dinner? Hmm?" he whispered. Kumunot ang noo ko at huminto sa paghihiwa ng sibuyas.
"You think papayagan pa akong magpagabi kung mananatili ako rito hanggang mamaya?" I faced him. Humakbang siya nang bahagya at natanaw ko ang polo niyang tanggal na ang dalawang butones.
Ang usapan namin kagabi ay sa kaniya ako tuwing uwian. Pero wala sa usapan na magpapagabi ako. My parents would be hysterical kung gabi-gabi na lang akong umuuwi. I don't want them to know how I was doing, baka mas lalo nila akong kamuhian kung madiskubre nila ito.
"I know I know, I was just kidding," he chuckled. I rolled my eyes and went back to what I was doing. Ngunit hindi ko pa man nahahawakan muli ang kutsilyo ay hinila niya ako papunta sa kaniya at binuhat ako nang walang paalam.
"I can't resist your charm, Ms. Laurente," bulong niya samantalang ako ay naka-awang ang bibig. Gulat sa bilis ng mga pangyayari.
I placed my hands on his shoulders. Pinipilit iiwas sa kanyang mukha dahil amoy sibuyas pa ito.
"S-sir..."
"I know." He placed me on his bed. Iginiya ako pahiga at ganoon rin ang ginawa niya. Humiga siya sa aking tabi at buong pagnanasa akong tinitigan. "No intercourse, just kiss. I know."
Pumikit ako nang maramdaman ko ang labi niya sa akin.
I feel so bad. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob kong gawin ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon din si Sir Kiel. This is forbidden. This is prohibited. Everything should stay discreet.
***
"Ihahatid na kita," sir Kiel insisted but I refused. Hinahanap na ako sa amin dahil alas nuwebe na!
Shit. Amid his kisses recently, bakit hinayaan niya akong makatulog?
With panic, I examined myself if I was sore down there. Good thing is, wala naman. Sir Kiel is truthful to his words.
"You think hahayaan kitang mag-commute sa labas nang ganyan? It's dangerous," sabi niya habang naghuhubad ng panloob na t-shirt. He then wore his favorite black shirt na as usual, may red supreme na tatak.
"Pero nandoon sa bahay si Simon, I don't know. Nag-text kasi siya sa'kin, ang sabi ay kasama niya ang mga magulang ko sa bahay, naghihintay sa pag-uwi ko," mangiyak-ngiyak kong tugon.
Kinuha ko ang bag at naghanap ng suklay. God. Ang gulo ng buhok ko. Mapagkakamalan akong ginahasa nito eh.
"Hey! Calm down," Sir Kiel held my shoulder. Kinakabahan ako.
"I'm sorry, natatakot ako sa maaaring isumbat sa akin ng mga magulang ko."
"Then let me explain them where have you been—"
"No!"
Nang maayos ang sarili ay agad kong sinuot ang bag at natataranta siyang hinarap.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Nakakahinala kung malaman nila na ikaw ang kasama ko."
I saw how his jaw clenched. Biglang lumalim ang titig niya sa akin.
I don't know. If he has something to reveal, dapat ay sinasabi niya, kahit kasi kasama ko siya ngayon, I feel like there's something wrong. He's too mysterious to analyze.
"Okay then. Just let me drive you home," he said with finality. Akma na sana akong maglalakad nang bigla niya akong pinigilan. "One more thing."
Nagtataka ko siyang tiningnan.
And without my permission, without any hints, he drew me closer and kissed my forehead.
"Thank you," he said with a genuine smile plastered on his serene face.