Hindi ko matingnan sa mata si Papa. Lumipas na ang dalawang araw mula noong pasado alas nuwebe na ako umuwi, ngunit para bang naging bato na ang puso niya. Hindi siya nagsasalita. Wala ni isang paalala tulad ng lagi niyang ginagawa noon. Para bang wala na siyang pakialam.
Binilisan ko ang pagkain. Bahala na. Masaktan man ako rito at magdrama, wala namang magagawa iyon. Ang tanging makapagpapabago sa tingin nila sa akin ay ang pag-angat ko bilang isang topnotcher student.
"Simon got the highest score. Let's give him a round of applause," wika ng Empowerment Tech teacher namin. Nagpalakpakan lahat maliban sa akin.
Hindi ka ba nagsasawa sa atensiyong nakukuha mo, Simon?
"Grabe! Ang talino talaga, ikaw na talaga Nic," tukso sa akin ni Lara. Sa tuwing pinupuri si Simon, lagi silang bumabaling sa akin at sasabihing swerte ako sa jowa ko.
Sa kalooblooban, aanhin ko ang matalinong kasintahan kung ang turing ko naman sa kaniya ay kalaban?
People never noticed how broken I am sa tuwing nasasaksihan ko kung paano ako naiiwan sa likuran. Na para bang kailangan ko na tanggapin na hanggang top 2 lang ako.
Lecheng ranking 'yan.
"Hon, anong gusto mong kainin? My treat!" natutuwang sambit ni Simon nang sumapit ang recess. Hindi ko kailangan ng kahit ano. Wala akong gana.
Pero minsan napapaisip ako kung paano niya nagagawang manlibre at magbigay ng baon sa akin. I mean, nagtatrabaho siya para makapag-aral. Sa mga panahong mabababa ang resulta ng exams ko at hindi ako binibigyan ng baon ng mga magulang ko, siya ang sumasalo sa akin in terms of finances. Nakakahiya pero, pumapayag rin naman kasi.
In the end, pumayag na rin ako sa libre niya kahit wala akong gana.
***
"You look sad." Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Sir Kiel.
Hapon na, as usual, sa mga ganitong oras ay nasa review session na si Simon. Pinilit ko maging sweet sa kaniya pero wala talaga ako sa mood para sakyan 'yong mga banat niya.
Until this man came into the picture, para bang nabuhayan ako kahit na pangit ang simula ng araw ko.
Mula sa pagkakasandal ko sa kotse niya ay umayos ako ng tayo. Lihim akong ngumiti nang buksan niya ang pinto at hayaan akong makapasok doon.
"What do you want?" I saw how his adam moved after saying those words. Sa bawat minuto na kasama ko siya, hindi nawawala 'yong titig. Na para bang hindi siya lilingon sa iba sa takot na mawala ako bigla. He's hot for being possessive. And I like how he makes me amused everytime we are together.
"I have a question," sambit ko at deretsong nakatingin sa harapan. Though nakikita ko sa peripheral vision ang titig niya, it gives me shiver. "Hindi ka ba natatakot sa mga maaaring mangyari once na mahuli tayo? I mean, pwede ka naman maghanap ng iba—"
"And why would I?"
Determinado. Parang wala na siyang balak tigilan ako.
"I'm afraid. Naisip ko lang kasi na mas malala 'yong mga mangyayari once na mahuli tayo. Alam mong may boyfriend ako pero bakit—"
Mula pagkakapatong sa manibela ay ipinatong niya ang kanang kamay niya sa hita ko. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigil ang sarili kong tumingin sa kaniya.
"You know what? The moment I saw your profile in tinder was the time I knew that my wish was granted. I found my way to have you, even it's wrong, even it's forbidden."
"Pero—"
Hindi ko na naman natapos ang aking mga sinasabi dahil agad niya akong hinalikan.
"Sir—"
"I know Laurente, I know."
He continued kissing while here I am, still confused. He's captivating me for some unknown reasons. Bakit ang rupok ko pagdating sa halik niya?
"T-this is w-wrong," I uttered but he never listened anymore. The more he dwell his kisses for me, the more I drool. The more I think that he's the one kissing me, the more I forget that my sorrow binds me to misery.
But then, time will come... we're gonna pay for this.
We have to pay for this.
"Kumusta ang school?" He took a deep breath after his kisses. Umayos ako ng pagkakaupo at ibinalik sa tamang ayos ang kwelyong nagulo.
"Again. Bad," I replied.
Nakita ko kung paano umangat ang kaniyang kilay. Na para bang nagulat pa siya sa sinabi ko.
"Kahit excellent ka na sa klase ko?"
Tumango ako.
"Nakalimutan mo yata na hindi lang Gen Chem ang subject namin, Sir," nakangisi kong sambit na agad namang nagpasimangot sa kanya.
"Stop calling me Sir, 'wag mo nang ipamukha sa akin na teacher mo ako."
"Reality sucks," I said, rolling my eyes.
He diverted his sight towards his front. Damn those lips. Bakit inaakit na naman ako?
"So we cheat." Napalunok ako nang marinig iyon. Ayaw ko nang iniisip ito, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao. Para bang daig ko ang pumatay pero, ano ba kasing magagawa ko?
"Ako ang may pakana, Kiel," pag-amin ko. Ako naman talaga. Hindi ito mangyayari kundi rin dahil sa kagustuhan ko. Things might be complicated for now, pero hindi rin naman ito magtatagal. Gagamitin ko lang sila, matatapos rin ito.
"But why do you have to cheat? Pwede mo namang iwanan si Simon. Pwedeng ako na lang. For that, hindi na natin masasabing cheating ito—"
I gave him my stinging stare. Ano bang tingin niya sa nararamdaman ko? Na mahal ko siya? Na handa kong iwanan ang lahat para sa kanya? "You don't know my story."
"Yeah, I don't know. But you should tell me—"
"This is pure lust. Sir Kiel. Walang mahuhulog. We're here to satisfy each other. Iyan ang usapan noon sa tinder. Better know our limits. Just reminding you."
Hindi na siya nakasagot.
That's how life works. Dahil minsan, mapipilitan ka ring kumapit sa patalim. Kahit masakit. Kahit mahirap.
* * *
Pagkauwi sa bahay ay hindi ko naabutan sila Daddy, pero may iniwang sulat, mayroon daw silang party na pupuntahan. Siguro related sa trabaho.
Lihim akong napangiti. Sa kabila ng galit sa akin ay naalala pa rin nila ako.
Matapos magbihis ay dumeretso ako sa ref, nang makitang halos itlog at dairy products na lang ang laman ay napakamot ako sa ulo.
Napagdesisyunan kong tumungo sa convenient store para sa mga stocks na hindi ko na makita sa ref. Sa store mismo na pinagta-trabauhan ni Simon. I wonder, nagsisimula na kaya 'yong shift niya gayong alas siyete na ng gabi?
Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong tinahak ang daan papasok ng store. Hindi ako sure kung nandito ba siya, pero kung nandito nga, balak ko rin surpresahin.
Hindi ko alam kung anong tawag sa role niya rito pero mula dito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko siya. Nandon siya sa soap and detergent section. Nag-aayos at nagsasalansan ng mga products.
Akma na sana akong hahakbang nang may babaeng lumapit sa kanya. Ngumiti ito sa kanya at nginitian niya rin ito pabalik.
So what?
Naglakad ako patungo sa junk food section. Hindi naman junks ang sadya ko dito. Mga inumin sana. Pero dyahe naman! Kailangan ko munang daanan ang detergent section bago ako makarating sa liquor and beverages! Ayokong makita niya ako. Naiinis ako.
Ngiti ngiti. Sarap ng ngitian nila ha?
Padabog kong tinapon sa cart ang tatlong pakete ng junks. Naka sampung minuto naman na yata ako rito kaya sure akong wala na si Simon doon.
Ngunit nagkamali ako. S-hit.
Just as a took a step ay namataan ko ang kanyang likod. This time ay kaharap niya 'yoong babae na lumapit sa kanya. Holy wow? Hindi pa rin sila tapos magchikahan?
Hindi ko na napigil ang sarili ko lalo na't natapilok 'yong babae nang maglalakad na ito.
Tanga. Bakit kasi naka heels pa eh dito lang naman sa store ang lakad. Tanga talaga.
Umusok yata ang tenga ko nang alalayan ni Simon ang babae. Sa inis ko ay sinadya kong ihulog ang nakaboteng downy. Dahilan upang maglikha ito ng tunog.
Kapwa sila tumingin sa akin. Nakita ko kung paano namuo ang gulat sa mga mata ni Simon, ito namang babae ay parang walang pakialam.
"Hi," nanginginig kong sambit at agad na tumalikod. Bahala siya sa downy na nahulog sa sahig. Trabaho niya 'yan.
And hello? Hindi niya trabahong mag-entertain dito.
"Hon," I heard him pero dere-deretso lang ako patungo sa beverages.
Nakakainis. Hindi ko mapigilang mainis. Bakit sinundan pa niya ako dito kung nandon naman siya sa babae niyang naka heels pa? Ganda kaya.
"Oh," sagot ko nang harangin niya ako. Ramdam ko rin ang hingal niya, siguro kakahabol sakin.
"Hindi mo sinabing pupunta ka pala rito—"
"Bakit? Pipigilan mo sana ako? Takot ka sigurong mahuli kitang nakikipaglandian dito."
Amusement became evident in his eyes. Sa halip na magalit pabalik o mainis ay naging dahilan pa ito para mabuo ang ngisi sa kanyang labi.
"Anong nakakatuwa ro'n?"
He laughed. Baliw talaga.
"My hon is jealous. Ngayon ko lang nakita sayo 'yan. Though I know it bothers you, but I found it cute."
He kissed my cheeks.
"Umayos ka nga." Iniwas ko ang tingin sa kanya at binuksan ang freezer. Nakakainis. Ang sweet.
"She's just a friend, hon. Sa'yo lang ako. Rest assured. Mahal kita kaya 'wag na magselos."
Kahit hindi nakatingin ay lumambot ang puso ko nang marinig ang mga salitang iyon.
You can't blame me for being this, Simon. I cheat.
And you're not the only one who owns me, for now.