Tatlong taon ang mabilis na lumipas. Third year college na ako at professor ko pa rin si Jake. Nagdududa akong nakatingin sa kanya habang nagsasagawa siya ng introduction sa kanyang subject. Sa ngayon ay hindi na ako nagugulat na may isang subject ako na siya ang may hawak. Ayoko sanang mag-isip ng iba pero pakiramdam ko ay may kinalaman si Jake. Talagang sumasakto na every sem ay nagiging professor ko siya. Akala ko rin noong una ay may makakahalata sa amin ngunit umabot na ng tatlong taon ay wala manlang umusbong na issue sa amin. Mukhang nasiguro ng admin na walang makakaalam. Malaking tulong din siguro na naging maingat kaming dalawa. Kumalabit sa akin si Kevin. "Crush mo talaga si Sir Jake ‘no? Napapansin ko lagi kang nakatingin sa kaniya eh. Kayo talagang mga babae hindi nagsasaw

