Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Alam niyang nandito kami ni Claris dahil nag-attendance siya kanina. Pareho kami ni Claris na nakanganga sa kaniya. Napalingon ako kay Kevin nang sikuhin niya ako sa braso. "Kayong mga babae talaga! Mahilig sa pogi. Talagang nakanganga pa kayo." Hindi namin siya pinansin ni Claris. Nagsimula ng magturo si Jake sa harapan na parang wala ako roon. Akala mo ay wala sa mga estudyante niya ang asawa niya! Hindi ako nakapagfocus noon habang nagtuturo siya. Nakayuko lang ako sa mesa dahil naloloka akong tignan siya. Hindi talaga ako makapaniwala! Sa buong oras na nagtuturo siya ay bilang lamang kung ilang beses siya napatingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi tumingin sa akin o talagang hindi lang siya napapatingin sa akin. Natapos

