Bumalik kami sa klase pagkatapos kumain. Ilang beses akong tumawa habang kumakain dahil kung makulit na si Claris, mas makulit ang grupo nila Kevin. Kaya nga mabilis na nakapalagayan ng loob ni Claris ang mga ito dahil nagclick ang mga ugali nila. Huling klase na namin para sa araw na iyon ngunit malapit ng mag 15 minutes ay hindi parin dumadating ang prof. Ito din ang maganda sa college. Kapag na-late ang prof at hindi nagpasabi na hintayin siya dahil mahuhuli lang saglit ay automatic ng walang klase. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtext kay Jake. Pwede na siyang magpunta dito para masundo ako dahil pakiramdam ko ay hindi na talaga dadating ang professor namin. Habang naghihintay ay napansin kong lumapit ang grupo nila Kevin sa amin. Nilapit nila ang kanilang mga upuan sa amin para

