Halos isang oras nang umalis si Jake. Nag-aalala na ako dahil sabi niya babalik din siya agad ngunit anong oras na! Hindi manlang niya sinabi kung saan ba siya magpupunta. Nakita kong bumaba si Katie at tumakbo palapit sa akin. Umiiyak itong yumakap sa akin. "Mommy! Where's Daddy?" Hinagod ko ang kaniyang likod para kumalma. Sabay kaming napalingon ng makita si Jake na papasok ng bahay. Ang kanyang kamay ay may mga sugat at may dugo. Ganoon din ang kaniyang damit. Gulat akong lumapit sa kaniya. "What happened to you!?" Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Ilang segundo lamang iyon at sunod niyang nilapitan si Katie. Pinakalma niya ang aming anak. Hinalikan niya ito sa noo bago nagpaalam na aakyat sa kwarto. Lumingon ako kay Manang Cecille at pinasuyo muna si Katherine. Tumango ito at

