Lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin kanina dito sa Aklan. Sa kasalukuyan, hinihintay lang namin ang aming mga bagahe para tuluyan ng makapunta sa aming hotel room at makapagpahinga. Naramdaman ko ang sakit ng aking tiyan dahil sa pagkagutom. Pasado alasdose na ng tanghali at natitiyak kong pati ang mga kasama ko ay gutom na rin. Nagsabi si Jake na ilang minuto lang naman daw mula sa airport ang hotel namin kaya doon na lamang kami kakain. Nasa iisang van lang kami nakasakay. Si Jake ang nasa tabi ng driver. Sa sumunod na hilera ay si Sam, ako, si Joan at Shirley. Ang iba pang staff namin ni Jake ang umupo sa likod. Lumingon ako kay Samantha nang bumulong siya sa akin. "Namiss kong makauwi dito! Hindi kasi ako nakauwi nitong nakaraang Pasko dahil sa dami ng ginagawa sa dati kong

