Maaga kaming gumising kinabukusan. Ngayon nakaschedule ang alis namin at ng aming team para maghanap ng lupa kung saan pwede magpatayo ng bagong building. Kami ni Jake ang maghahanap ng lupa at ang aming team namin ay mag-iikot-ikot para makapagresearch kung ano ang mag-click at kung ano ang mga kailangan ng lungsod na may kinalaman sa agrikultura. Lahat sila ay by pair na mag-iikot and they should by back in the hotel before 4 pm. Pag-uusapan ang kanilang reports pagkabalik namin sa Manila. Minamaneho na ni Jake ang sasakyan. Nakaalis na ang lahat. Nagbigay si Jake ng budget para sa mga ito para hindi na sila mahassle sa magiging gastos. Una kaming nagpunta ni Jake sa siyudad. Kung magtatayo kami ng building ay dapat nasa sentro kami ng commercial. Kaso nga lang ay masyado ng crowded d

