Nagtungo ako sa address na binigay niya. Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang nagmamaneho. Kasabay niyon ang kabang nararamdaman ko. Halos naririnig ko na ang t***k ng aking puso sa lakas niyon. Nagdasal ako ng mataimtim nang tumigil ang sasakyan sa isang bahay. Hindi ito ganoon kalaki at hindi rin naman maliit. Maayos ang disenyo nito at hindi mo aakalain na mayroon palang tinatagong mga hostage dito. Huminga ako ng malalim at isinuot ang cap. Maayos kong isiniksik ang aking buhok para matakpan ang envelope na tinatago ko doon. Bumaba ako ng sasakyan at kinuha ang maleta. Bumungad sa akin sa gate ang dalawang armadong lalaki. Namukhaan ko agad ang mga ito. Sila ang bodyguards ni Katherine. Umarte ako ng normal at binuksan ang maleta para maipakita ang envelope maging ang pera na nak

