Nanghihina akong pumasok sa ICU kung saan pansamantalang nalalagi si Jake. Doon siya dinala dahil sa kritikal nitong kondisyon. Matapos kong maisuot ang mga dapat suotin ay lumapit na ako sa kaniya. Gumilid si Mike at hinayaan akong makalapit sa kaniya. Bumuhos ang maraming luha sa aking mata. Awang-awa ako sa itsura niya. Ngayong nalinis na ang kanyanh mukha ay lalo kong nakita ang lahat ng pasa at sugat na natamo niya sa loob ng tatlong araw na pagkuha sa kanila nila Megan. Sobrang daming nakasalpak na tubo sa kanyang katawan. Maging sa kanyang bibig at ilong ay meron din at nakakonekta ito sa isang machine sa tabi niya. Nanginginig ang aking kamay ng hawakan ko siya. "Jake..." Napahagulgol ako. Sobrang sakit na makita na nagkaganito siya dahil sa akin. Hirap na hirap akong tignan an

