Kabanata 15: "KAWAWA naman si Mr. Chua, mabuti na lang at hindi siya masiyado napuruhan, kotse lang niya." Malakas na bumuntonghininga si Felia. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kaninang umaga, ang sabi ay bigla na lang daw nawalan ng preno. Paalis na sana si Mr. Chua nang magdiretsyo ang kanyang kotse sa kanyang puno. Kapag talaga aksidente, hindi mo malalaman kung kailan kahit pa nakaupo ka lang kung oras mo na ay oras mo na. "Kaya ikaw mag-iingat ka lagi," paalala ko kay Felia, medyo malayo pa naman ang bahay niya hindi katulad sa akin na isang sakay lang ng jeep. Felia protruded her lips. "Makapagsalita ka naman, akala mo naman aalis ka na," sabi niya. Humalakhak ako. "Hindi natin hawak ang oras, Felia. Malay mo, bukas o sa makalawa mamatay ako." "Gago ka!" Binato niy

