Kabanata 16: NAPAKURAP-kurap ako habang pinupunasan noong delivery guy ang noo ko, pagkatapos na muntik na akong masagasaan ay hinila na lang niya ako sa malapit na park at pinaupo sa isang bench. Inayos niya ang mga binili ko saka yumuko sa harapan ko upang magpantay kami. Napatitig ako sa mata niya sa ilalim ng salamin. Napatitig ako sa labi niya at matangos na ilong, ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, siguro dahil sa muntik na akong maaksidente kanina. Mukhang mapapasunod pa ata ako sa matanda ng wala sa oras. "Alam mo bang delikado ang ginawa mo? Bakit ka ba biglang tumatawid, dapat tumitingin ka sa dinadaanan mo, paano kung nabangga ka, paano na 'yong—" "Ano naman sa'yo?" mahinang tanong ko, bakit kung makapagsalita siya ay parang

