Kabanata 11: HINDI ako masiyadong nakatulog nang gabing iyon, nang sundan ko siya sa bintana ay wala na siya at bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Kaagad akong nag-search tungkol sa mga nararasan ko, simula sa aksidente hanggang sa mga hindi ako makagalaw, sa lalaking pula ang mata. Incubus. Iyon ang isa sa mga lumabas na nakakuha ng atensyon ko. A male demon. Kinilabutan ako sa nabasa ko, nasapo ko pa ang ulo ko nang mabasa ang mga nasa ibaba ng article sa google. Male demon that seeks to have s****l intercourse with sleeping women. "s**t!" Bigla kong naalala ang nangyari sa amin. Bubuntisin niya ba ako? Napatakip ako ng bibig nang maalalang nagsusuka ko ako kahapon, dagdag pa ang masamang pakiramdam ko. I looked at Felia, she was staring at me the whole time. "Natata

