Kabanata 12: PAGPASOK ko pa lang sa bahay ay malakas na sigawan na ang naabutan ko. Sino kayang gaganahan umuwi sa bahay na ito na imbes na mawala ang pagod mo dahil nakauwi ka na ay lalo ka lang mapapagod. Malakas na umalingawngaw ang pagbasag ng pinggan ni Mama. "Wala ka talagang kwenta! Puro ka inom! Sabi mo bakasyon lang tapos ngayon sasabihin mo tinanggal ka sa trabaho?!" bulyaw ni Mama kay Tito Rey na nakasalampak sa sofa habang humihithit ng sigarilyo at halatang nakainom na. Wala si Ruth, silang dalawa lang ang nasa sala. Nakapameywang si Mama habang pulang-pula ang mukha, gusto kong magmano pero baka sa akin naman ibunton ang galit kaya naglakad na lang ako paakyat. "Dito na po ako," paalam ko lang. Nakita kong sinundan ako ng tingin ni Tito Rey. Nang makapasok sa kwarto a

