Stacey's POV Pagkagising ko kinabukasan ay napagdesisyunan ko na lumabas ng bahay para magpahangin sa park malapit dito sa village. Nagayos ako ng aking sarili at pagkatapos noon ay bumaba na ako. Pagdating ko sa baba ay hindi ko nakita sina Mommy at Daddy pero may nakahanda ng pagkain sa lamesa at may letter na kasama. 'Good morning baby may aasikasuhin lang kami ni Daddy mo sa office babalik kami agad. We love you.' Napangiti ako at inumpisahan ng kainin ang inihanda ni Mommy na pagkain. Tumunog naman ang cellphone ko kaya naman napatingin ako rito. Nag message pala si Damien kaya naman naisipan ko na tawagan ito dahil hindi ko ito na replyan kagabi. Ibinaba ko na lang ang cellphone ko ng hindi ito sumagot. Ilang saglit pa ay lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa park upang m

