Stacey's POV Habang nakaupo kami sa sala at nanunood ng Movie ay naisipan ko na gumawa ng popcorn kaya naman naagpaalam ako rito. "Gagawa muna ako ng popcorn." sabay tayo nagulat naman ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako rito. "Gusto ko caramel ah." nagpapaawang sabi pa nito dahil alam niyang cheese ang favorite ko na flavor ng popcorn. Napataas naman ang kilay ko kaya napatawa ito. "Oo na cheese flavor na." nakangusong sabi nito at hindi ko naman na pigilan na kurutin ang pisngi niya kaya napangiwi ito. "Gwapong gwapo ka na naman sa akin." pangiinis pa nito. "Ang kapal talaga." sabi ko rito kasabay ng pagtaas ng kilay at dali dali naman akong tumalikod papuntang kusina sabay ngiti ng palihim. Pagdating ko sa kusina ay nag microwave na ako ng popcorn pa

