Stacey's POV Paggising ko ay pawis na pawis ako at hinahabol ko ang aking hininga, sobrang sama ng panaginip ko. Bumangon agad ako at dumiretso sa kuwarto nila Mommy upang tignan kung ayos lang ba sila dahil sa panaginip ko ay may dumukot sa kanilang dalawa. "Anak, ang aga mo naman atang nagising?" tanong ni Daddy ng makita niya akong nakatayo sa loob ng kuwarto nila ni Mommy. "Bakit pawis na pawis ka?" dagdag na tanong pa nito. "Nanaginip lang po ako ng hindi maganda." mahinang sagot ko naman dito. "Ayos ka na ba?" tanong nito kaya tinanguan ko naman siya. "Halika muna sa baba at uminom ka ng tubig." dagdag pa nito. Sabay kaming bumaba ni Daddy sa may kusina. "Daddy lutuan na lang natin ng breakfast si Mommy?" alok ko kay Daddy at napangiti naman ito. Inabot naman nito sa akin a

