Stacey's POV Napatingin ako kay Mommy ng bigla itong nagsalita. "Anak, sigurado ka ba na wala kang nakaaway dito sa Cebu?" Napailing na lang ako dahil wala naman talaga akong nakaaway dito. "Nasaan na po ba sila Daddy?" tanong ko dito dahil ilang oras na ata ang nakalipas ng umalis sila dito ni Damien. "May mga inaasikaso lang sila ang mabuti pa eh mag pahinga ka na lang muna." sagot naman nito sa akin at wala na rin akong lakas para usisain pa siya. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung sino nga ba ang gagawa sa akin noon. Napailing ako at huminga ng malalim para mawala na ang mga gumugulo sa isipan ko. Papikit na sana ako ulit ng biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si Daddy at Damien, Nilapitan naman ako agad ni Daddy at hinalikan sa forehead ko. "Kamusta na?

