Ngayon lang naman kasi sila nagkaroon ng oras sa akin kaya parepareho pa kaming nagaadjust. Nakarinig ako ng katok sa pinto ngunit hindi ko ito pinansin at dumiretso na lang ako sa kama. Napayakap na lang ako sa unan ko dahil halo halo ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nasabi ko na sa kanila ang gusto ko na sabihin at nailaban ko kung anong magpapasaya sa akin pero nalulungkot ako dahil sa nangyaring sagutan namin ni Daddy. Sana lang magawa nila akong intindihin dahil ito talaga ang gusto kong gawin noon pa. Alam ko naman na maiintindihan nila ako pero nasasaktan ako kasi ngayon ko napatumayan na hindi talaga ako ganon kakilala ng mga magulang ko. Alam ko naman na mahal nila ako at gusto lang nila ang makakabuti sa akin at na appreciate ko 'yon ng sobra, Sino nga namang magulang an

