Stacey's POV Pagkagising ko ay nagulat ako dahil may nakatabi sa akin na bouquet of flowers, Napangiti ako dahil ito ang bumungad sa akin. "Ay sus ngiti ngiti lang sa umaga." biglang pasok ni Sissy, "Kanino ba galing ito?" tanong ko naman. "Baka sa akin galing 'yan." sagot naman nito. "Malamang kay Damien mo." dagdag pa nito. "Maliligo muna ako." sabi ko dito. "Oo kasi iiwanan ka na namin tanghali na kaya." sabi pa nito na parang nangaasar kaya naman dinampot ko yung unan at pina landing ko sa mukha niya. "Oo tama si Damien dito na muna kayo ng Mommy mo may aasikasuhin lang kami ni Damien sa labas yung mga kaibigan mo naman ay pinabalik ko na muna sa rest house." paalam sa kan'ya ni Tito bago kami tuluyang lumabas ng kuwarto. "Damien samahan mo ako sa gagong gumawa nito sa anak ko.

