Mabilis lumipas ang araw. Naging busy na ulit ako sa pagtatrabaho dahil nga natambakan na naman ako ng mga paperwork. Napag-alaman ko ring si Daddy na ang um-attend sa mga meeting dahil nga ilang araw rin akong lumiban sa trabaho. Inalam din ni Daddy kung maayos ba ang kalagayan ko at sinabi ko naman ang gusto niyang marinig. Wala naman kasi talaga akong sakit. Sadyang hindi lang ako pumasok dahil gumugulo sa isipan ko ang naging palitan namin ni David ng halik. Matagal kasi iyon. Sa sobrang tagal ay halos malagutan ako ng hininga. Pero mabuti na lamang ay hindi na nasundan ang halik na iyon lalo pa at ang sinabi pa ni David ay limang daan ang gusto niya. Ibig sabihin, may four hundred ninety nine pa akong utang sa kaniya. Napailing na lamang ako at kaagad na itinigil ang pagbabasa n

