“Hindi pa ba lumilitaw si Lance?” tanong ni Archer sa akin. Siya na lang ang kulang ngayon. Dati kasi, madalas kaming kumpleto pero nitong mga nagdaang taon, palagi siyang busy. “He's suffering,” wika naman ni Kuya Russel. Umahon naman ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi ni Kuya. Hindi siya lumilitaw sa amin pero hindi ko inaasahan na may pinagdadaanan pala siya. “From what?” tanong ni Kuya Rowan. Lahat kami ay curious sa nangyayari sa aming kaibigan. Hindi namin alam na may pinagdadaanan pala siya kahit na kaibigan namin iyon. “Iyong mahal niya, namatay,” bulong ni Kuya Russel na ikinasinghap ko. Kumirot ang puso ko sa aking narinig at hindi ko inaakala na maririnig ko ang bagay na ito tungkol sa aking kaibigan. We’ve been friends for two decades. Kung tutuusin ay

